Ang Water Lily at Lotus ay isang uri ng kakaibang bulaklak dahil ito ay nabubuhay na nakalutang sa tubig. Hindi tulad ng ibang bulaklak na lupa ang kailangan, ito ay nangangailangan ng tubig para mabuhay. Ito ay madalas nakikita sa mga ilog, sapa at mga fishpond dahil ito ay nagsisilbing pagkain ng mga isda. Ngunit ang hindi natin alam, may magandang benepisyo pala itong dala sa ating kalusugan.
Ang bulaklak ng water lily ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral tulad ng fibre, carotene, calcium, protina, nicotinic acid, iron, phosphor, bitamina C,B1 at B7, carbohydrates at lipids na mainam na panlaban sa mga sakit.
Narito ang mga benepisyo ng Water Lily sa ating katawan:
1. Nakakatulong pagalingin ang Blood Cough.
Ang water lily ay nagtataglay ng Nicotinig acid na tumutulong sa paggamot at pagpapatigil ng blood cough. Para gamitin ito, una gumawa ng juice mula sa lotus rhizomes, pangalawa, ihalo ito sa 200cc na pinakulong tubig at inumin ito tatlong beses sa isang araw sa loob ng 5 araw na magkakasunod.
2. Nakakatulong sa pagpapaganda ng presyon ng dugo.
Ang lotus shoots ay nagtataglay ng fats na nagpapababa ng presyon ng dugo. Paraan ng paggamit nito, kumuha ng 10g ng buto ng lotus, 10g ng lotus shoot at ihalo ito sa 350cc na tubig bago pakuluan at inumin ng madalas.
3. Nakakatulong ito na maiwasan ang pagtatae at pagduduwal o pagsusuka.
Ang pagtatae at pagduduwal o pagsusuka ay madalas sanhi ng pagkaubos ng likido ng katawan. Ang juice na mula sa lotus rhizomes ay mainam na pampadami at pampalit sa mga nawawalng likido ng katawan. Para gamitin ito, una haluin ang 50g ng lotus rhizome sa 10g ng rhizome ng luya at hugasan itong mabuti. Gumawa ng juice mula dito tapos salain at inumin tatlong beses araw araw.
4. Nakakatulong ang buto ng lotus na maiwasan ang insomia o ang hirap sa pagtulog dahil nagtataglay ito ng phosphor at iba pang bitamina.
Para gamitin ito, kumuha ng 12g ng buto ng lotus, ilagay sa kaserola na may tatlong basong tubig at pakuluan ng 30 minuto, palamigin at inumin ang pinakuluang tubig na may buto ng lotus at kainin ang buto nito.
5. Pangtanggal ng stress.
Kumuha ng 20 pirasong buto ng lotus, 15g buto ng longan, 10 prutas ng angcao, 10g ng kim cim at pakuluan lahat sa 600cc na tubig. Hatiin ang pinakuluang tubig at ang kalahati ay inumin.
6. Panggamot sa mga pamamaga tulad ng pamamaga ng mata.
Ang buto ng lotus ay nagtataglay ng carotene na tumutulong sa pagpapalinaw ng mata at pagiwas sa paglabo, pamamaga at pagkairita nito. Paraan para gamitin ito, kumuha ng 3g ng buto ng lotus, 9g ng bulaklak ng seruni , ilagay ito sa malinis na tela at pakuluan ng 30 minuto at palamigin. Ipahid ito sa namamagang mata, gawin ito tuwing umaga at gabi.
7.Ginagamit na panggamot sa dumudugong ilong.
Ang lotus flowers ay nagtataglay ng iron na mabisang panggamot sa dumudugong ilong at nakakatulong din ito sa pagkakaroon ng mga bagong pulang dugo. Paraan para gamitin ito, kumuha ng ugat ng lotus at gawing itong juice, salain ang juice at patakan ang ilong na dumudugo.
Narito ang iba pang benepisyo ng bulaklak ng lotus sa ating kalusugan.
1. Nakakatulong sa pagpapababa ng timbang.
2. Nakakatulong sa pagpapatibay ng ngipin.
3. Nakakatulong sa pagpapalinaw ng mata.
4. Nakakadagdag sa produksyon ng red blood cells.
0 Mga Komento