Subscribe Us

Ito ang Sampung Benepisyo ng Pagligo ng sabay ng inyong Asawa o Partner. Basahin dito.

Alam nyo ba na ang pagligo na kasabay ang asawa ay may magandang naidudulot o may magandang epekto sa ating katawan? Kung hindi nyo pa alam, narito ang mga dahilan o epekto kung bakit ito maganda at kung anu ang naitutulong nito sa atin.


1. Ito ay nakakatanggal ng stress na isa sa pinakadahilan ng problema sa ating kalusugan.

2. Katulad sa pakikipagtalik, ang pagligo na sabay ang inyong asawa ay nakakatulong sa pagpapakalma ng ating mga ugat.

3. Nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating katawan.

Kapag kasabay mo ang iyong asawa maligo, mayroon ka ng pwedeng hingan ng tulong na linisin o kuskusin ang parte ng katawan mo na hindi mo maabot katulad nalang ng iyong likod ganun din naman sa likod ng iyong asawa.

4. Ayon sa pag-aaral, ang pagligo na kasabay ang iyong asawa ay nakakatulong na magamot ang nararamdamang pananakit ng ulo. Siguro dahil may nakakausap ka at nakakabiruan habang naliligo na dahilan para malimutan mo o mawala ang sakit ng iyong ulo.


5. Ito ay nakakapagpalakas ng tiwala sa sarili.

 Kapag kayo ng asawa mo ay naliligo ng sabay ang inyong pagsasama ay lalong tumitibay at tumatagal dahil may tiwala kayo sa inyong sarili at sa isat isa na lahat ng pagsubok sa inyong buhay ay kaya nyong malampasan

6. Ito ay nagdudulot ng intimacy at sensuality.

 Ang pagligo na kasabay ang inyong asawa ay parang pagtulog sa kama na magkayakap. Dahil dito natututo kayong magbahagi ng kung anu anung nangyayari sa inyong buhay na dahilan para lalong lumalim ang inyong pagsasama.

7. Ito ay maganda para sa kalusugan ng ating puso.

Nakakatulong ang pagligo at paglubog ng katawan sa maligamgam na tubig kasama ang iyong asawa dahil nagdudulot ito ng kasiyahan sa inyong pagsasama at kaayusan sa kalusugan ng inyong mga puso.


8. Nagbubuo ito ng maayos na komunikasyon sa pagitan ninyong dalawang magasawa.

Kapag kayo ng asawa mo ay naliligo ng sabay mas madali kayong nakakapagbahagi ng mga problema nyo sa inyong buhay dahil nakakatulong ang atmosphere ng bathroom sa pagpapaganda at pagpapakalma ng mood nyo habang naguusap.

9. Ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa magasawa.

10. Ang atmosphere ng bathroom ay nakakatulong sa pagpapatibay at pagpapalakas ng pagmamahalan ng mag-asawa.

Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit ang pagligo na kasabay ang iyong asawa ay may maganda epekto sa ating katawan ngunit ito din ay medyo delikado dahil ang loob ng bathroom ay masyadong madulas dahil sa tubig ay sa sabong ginamit habang naliligo. Mag-iingat lang kung kayo ay maliligo ng sabay at magtatalik sa loob ng bathroom.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento