Kapag ang isang tao ay nagkasakit maging ito man ay simple o malubha. Gagawin nya ang lahat ng kanayang makakaya upang maibalik ang kanyang sigla at kalusugan. Ang tao ang kadalasang mismong susi ng kanyang kaunlaran, kalusugan at maging ang paggaling sa sakit.
Minsan pa nga na ang seryosong sakit ay galing mismo sa ginagawa nito araw-araw o masasabing isang lifestyle. Sa pamamagitang ng pagkontrol sa sarili at pagdisiplina nito ay siyang lunas para mapaalis ang sakit.
Ihalimbawa na lang natin pag inom ng alak. Nang dahil dito marami ang nagkakasakit at namamatay dahil sa sakit sa atay. Ang alak ang siyang napakalaking dahilan upang madamage ng husto ang atay, at masira ang function nito sa katawan. Alam naman nating lahat na ang atay ang bumabalanse at pumipigil ng mga dumi, lason at mga sangkap na di kailangan ng katawan. Sa kabilang banda, maari din nating tulungan ang ating atay upang linisin at alisin ang mga lason o dumi na nakukuha sa pagkain. Ang prosesong ito ay mas kilala at tinatawag na detoxification.
Narito naman ang mga sumusunod na paraan upang maisagawa ang detoxification sa katawan:
1. Fasting.
Ang fasting o pag-aayuno ay isang mabisang paraan upang ma detox ang ating atay. Isang halimbawa nito ay ang juice fasting kung saan ang mga juice galing sa gulay at prutas lamang ang iniinom . Ang mga enzymes galing sa prutas at gulay ay makakatulong sa atay upang mawala ang lason
2. Pag-inom ng Mineral na Tubig.
Ang pinaka simpling paraan ay ang paginom ng mineral na tubig araw araw. Ito ay napaka importante upang linisin at ilabas ang mga alcohol sa katawan. May ibang tao na umiinom ng 2 hanggang 3 litrong tubig araw araw.
3. Pagkain ng Prutas at Gulay.
Ang pagkain ng maraming prutas at gulay ay napaka importante. Malaking tulong din ito upang palakasin ang immune system ng katawan at bawasan ang mga sakit nito. Ang pagkain ng carrots at apples ay isang halimbawa upang mapanatiling malinis at malusog ang atay.
4. Mag Exercise.
Ang pag eehersisyo ay may malaking tulong upang mawala ng stress o depression at iba pang uri ng problema sa utak. Sa pagsasagawa ng yoga, Tai che at simpling paglalakad na nakakapawis ay nakakatulong upang alisin ang mga lason sa katawan.
5. Ang Paginom ng Lemon Kada Araw.
Ang pag inom ng lemon na may tubig ay isang importanteng bagay para mailabas ang dangerous na lason sa katawan. Ang lemon ay may dalang
Vitamin C at minerals para mag stimulate sa katawan na magsagawa ng cleansing process at alisin ang mga lason sa atay.
6. Kumain ng mga Pagkaing Mayaman sa Glutation at Enzymes.
Isang paraan upang mag karoon ng natural na glutation sa katawan ay ang pagkain ng kiwifruit, Cabage, Spinach, Pineapple, orange, grapes, celery at iba pa. Ang pagkain din ng kanin araw araw ay mabuti sa atay.
Ang glutation ay isang antioxidant na magandang proteksiyon laban sa free radicals at pakipakinabang para magsagawa ng detoxification.
7. Kumain ng Bawang.
Ang bawang ay maaring kainin ng hilaw sa pamamagitan ng isang salad. May mga pagaaral na ang bawang ay may taglay na sulfur compounds na makakastimulate ng enzymes ng maigi. Ito rin ay nagtataglay ng allicin at selenium na makaaktulong sa kalusugan ng atay.
8. Kumain ng Avocado
Labis siguro ang tuwa ng mga taong mahilig sa avocado sapagkat ang prutas na ito ay nagtataglay ng mga katangitanging sangkap para sa detoxification ng atay. Ang avocado din ay kayang maglinis ng atay at proteksyunan ang kalusugan nito.
9. Turmeric
Ang Turmeric ay kilala sa traditional na herbal na pagagamot sa buong asa. Sa ngayon ito rin ay sikat sa mga western contries sa pagapapalinis ng atay. May mga pagaaral na ang tumeric ay kayang proteksuyunan ang damage na atay.
0 Mga Komento