Ang bulaklak na Sunflower ay isa sa magagandang bulaklak na may hugis na parang isang araw na dahilan para sya ay madaling makilala. Ito ay nagtataglay ng makintab na kulay ng petals na nagpapaganda dito.
Ang sunflower ay nagtataglay ng mahabang tangkay kumpara sa ibang bulaklak at ito ay madalas nakaharap sa araw kapag umaga at nakayuko pagsapit ng gabi.
Alam nyo ban a bukod sa gandang taglay nito ay mayroon din itong magandang benepisyo sa atin?. Kung hindi nyo pa alam, halika at ating alamin kung anu anung benepisyo ang dala nito.
Narito ang mga benepisyo ng dahon ng sunflower sa ating kalusugan.
1. Nakakatulong ito na maiwasan ang sakit na Malaria na isang uri ng karamdaman dulot ng bakteria na dala ng babaeng lamok. Para maiwasan ang sakit na ito, magpakulo ng tubig na may dahon ng sunflower at inumin ito. Ayon sa pag-aaral ang dahon ng sunflower ay nagtataglay ng sangkap na pumapatay sa mga bakterya na dala ng lamok.
2. Nakakatulong maiwasan ang mga pamamaga at ang iba pang sakit tulad ng gastroenteritis, gastrointestinal tract, arthritis, pulmonary pneumonia at respiratory tract. Nagtataglay din ito ng natural na pang gamot sa mga nararamdamang pananakit tulad ng pananakit ng suso, ng kasu kasuan, tuwing nireregla at iba pang parte ng katawan na mapwedeng mamaga.
3. Ginagamit na panggamot sa sakit na ulcer, pantapal sa mga sugat, pamamaga at kagat ng mga insekto.
Iba pang gamit ng bulaklak ng sunflower.
1. Pwede syang gaming langis dahil ito ay nagtataglay ng linoleic acid na maganda para sa ating kalusugan.
2. Ginagamit na isa sa mga sangkap ng paggawa ng margarine na pwedeng panghalo sa mga salad.
Benepisyo ng buto ng sunflower.
1. Ang buto nito ay ginagamit panglahok sa mga pagkain tulad ng cake at tinapay.
2. Ito din ay nakakatulong para maiwasan ang mga pamamaga at ang mga sakit sa ating puso.
3. Nakakatulong sa pagpapababa ng kolesterol sa loob ng ating katawan.
0 Mga Komento