Ilan sa mga karaniwang kaakibat ng sakit na hypothyroidism ay ang pagiging tuyot ng balat, sensitibo sa malamig na panahon o pagkain, pagkapagod, pamamalat ng boses, pagkirot ng kalamnan, pagdanas ng depresyon, marupok na buhok at kuko, tumatabang mukha, at maging pagdumi ng madalas.
Narito ang mga Natural na paraan upang makontrol ang Hypothyroidism.
1. Pag- inom ng Bitamina B.
Kung mayroon kang hypothyroidism mainam na uminom ng sapat na bitamina B katulad ng Bitamina B1, B2, B3, B5, B6, B7, B9 at B12 upang mabawasan o malunasan ang mga sintomas nito. Ang Bitamina B ay mainam upang magkaroon tayo ng malusog na thyroid.
Ayun sa mga eksperto, mayroong kakulangan sa Bitamina B12 ang mga taong mayroong hypothyroidism.
Kaya naman nararapat na isama sa inyong pang araw- araw na pagkain ang kanin at mga “fortified cereals”. Gayundin ang mga gulay na galing sa dagat. Mas nakabubuting iwaan din ang mga gulay tulad ng brocolli na maaaring makasama o makaantala sa inyong thyroid.
2. Uminom ng Apple Cider Vinegar kahalo ang Maaligamgam na Tubig.
Ang Apple Cider Vinegar ay mayroong malaking tulong para sa naghahangad na mapagaling ang kanilang hypothyroidism. Nagagawa nitong linisin ang mga masamang kemikal sa inyong thyroid, nakokontrol din nito ang inyong mga hormone at mas pinapabuti nito ang enerhiya ng metabolismo ng katawan, nakakatulong rin ito sa pagbawas ng timbang.
Gayunpaman, ang suka na apple cider ay labis na nakakatulong upang maibsan ang sakit na diabetes, mataas na kolesterol at maging ang highblood pressure.
Narito ang paraan sa paggawa:
1. Maglagay nd dalawang kutsara ng apple cider vinegar sa isang baso ng maaligamgam na tubig.
2. Pwede rin ito haluan ng kaunting honey.
3. Inumin ito araw- araw.
3. Uminom ng Fish oil.
Ang fish oil ay mainam na natural na gamot upang makatulong sa paglunas sa sakit na kaakibat sa inyong thyroid. Nakakatulong ito upang manatiling malusog ang thyroid.
gayunpaman, nilalabanan nito ang pamamaga at mas pinapalakas ang inyong katawan laban sa iba pang mga sakit.
Nakakabuti ring magpakonsulta sa inyong mga doktor kung maari ba kayong uminom ng fish oil, lalo na kung kayo ay umiinom ng mga gamot na pang “blood thinner”. Ang pag- inom ng fish oil ay dapat na hanggang tatlong gramo lamang.
0 Mga Komento