Minsan sa sobrang stress halos lahat nalang ay pinagaawayan nyong magasawa, minsan naman para bagang boring na at wala nang kilig ang relasyon nyo. Hindi mo kayang tumitig ng diretso sa kanyang mga mata ng walang pakiramdam ng pagsisisi.
Maraming mga pagsasama at kasal ang nauuwi sa ganito. Maaari mo itong mabago kung iyong gugustuhin. Kailangan lamang gumawa ka rin ng pagbabago sa pikikitungo mo sa iyong partner. Ayon sa mga eksperto, heto ang pangunahing walong tips na kapag nasunod, ay magdadala ng nawalang kilig sa inyong magasawa.
1.Intindihin na lahat ng pagaaway ay may dahilan.
Siguraduhing magtanong kung bakit nagkakaroon ng problema, intindihin ang sitwasyon. Kausapin ang iyong partner upang ito ay magbahagi ng kanilang nararamdaman. Kapag sila ay handa na pakinggang maigi ang kanilang mga saloobin upang lubusang maintindihan ang dahil ng hindi pagkakaunawaan. Imbes na salubungin ng galit, piloting maging pasensyoso.
Walang mararating kung pareho kayong galit. Hayaan munang ilabas nya ang kanyang mga hinaing bago magsalita. Darating ang panahon na maaalala nya ito at parehong bagay rin ang kanyang gagawin.
2. Iwasan ang “The Four Horsemen.”
Ayon kay John Gottman, isang marriage coach at syang nagsulat ng kilalang librong The Seven Principles for Making Marriage Work, mayroong apat na signs kung magsasama pa o maghihiwalay na ang magasawa. Tinatawag nya itong The Four Horsemen: criticism, contempt, defensiveness, and stonewalling. Iwasan ang mga ito para sa mas payapang relasyon.
Criticism: Ang pagkondena sa tao at hindi sa kanyang mga gawain.
Contempt: Ang sobrang sarcasm ay nakakasama. Maaari itong maging bastos sa tenga ng iyong partner.
Defensiveness: Ang hindi pagtanggap ng responsibilidad at paninisi sa iyong partner ang syang nagpapalaki sa problema. Stonewalling: Ito naman ay pagiwas sa mga gusot ng pagsasama. Tuwing nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, hindi mo na lamang ito pinapansin at pinababayaan na laman kahit hindi nareresulba.
3. Minsan kailangan mong sumabay, minsan kailangan mo magbago
Pagkatapos ang 40 na taon sa pag-coach ng libo-libong magasawa, nagkaroon ng konklusyon si Gottman na hindi mo kailanman mababago ang iyong partner, kahit anong subok pa ang iyong gawin. Maraming di pagkakaunawaan ng mga magasawa ay dahil sa kanilang personalidad at sa mga prinsipyo nila sa buhay. Ang stratehiya para rito ay sumabay sa pagkakaiba ninyong dalawa at iwasan ang mga sitwasyon na magpapalala rito.
4. Maging responsable sa papel na iyong ginagampanan
Ang paninisi ang pinakamadaling paraang upang ang simpleng di pagkakaintindihan ay magresulta sa pagaaway. Ayon kay Gottman, ang mga partners na nagsasama nang mas matagal ay hindi naninisi, bagkus, sila ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan na sa isang away, silang dalawa ay may parting ginampanan kung bakit ito nagsimula. Ginagamit nila ang mga katagang “Alam kong hindi mo lamang ito kasalanan; Ako rin ay bahagi nito.”
5. Tumulong kung kaya, huwag magbilangan.
Kapag nagbibilangan kayong magasawa sa magagandang gianwa nyo sa isa’t isa, ang inyong pagsasama ay nagiging tila isang patimpalak na lamang. At sa isang patimpalak, isa lang ang pwedeng manalo. Kung kaya mo naman tumulong, gawin mo! Minsan hindi patay ang iyong nabibigay sa iyong natatanggap, maaari ka pang makaramdam na ikaw ay taken for granted. Pero kung sa kabuuan ng inyong relasyon eh may roong bigayan, walang problema.
6. Tapusin ang araw na positibo.
Kasama sa 50 aktibidad ng mga magasawa ay ang pagkakaroon ng intimacy, Ayon kay Gottman, ang reuniting ang kanyang pinaka importanteng napili sa mga ito. Nirerekomenda nya na ang mga magasawa ay mag reunite bago matapos ang araw at pagusapan kung mga nangyari sa araw na iyon. Ito ay nakakatulong upang mawala ang kung ano mang masamang namamagitan sa mga ito at matapos ang araw na positibo.
7. Isang magandang gawain kada araw.
Si Darren Hardy, na syang founder ng Success magazine, ay ginagawa ito araw araw. Sinusulat nya ang isang bagay na pinahahalagahan nya sa kanyang asawa. Minsan tungkol sa pisikal na itsura nito, sa sinabi nya, o di kaya sa pinadama nya. Naaalala pa nya ang notebook na ito na mayroong sulat isa para sa bawat araw ng taon na sya nyang binigay sa kanyang asawa bilang birthday gift. Magkaroon ng determinasyon. Katulad ng kahit anong bagay, kung ikaw ay maglalaan ng oras at pagod, ang iyong relasyon sa iyong asawa ay siguradong magiging maganda.
0 Mga Komento