Paborito mo ba ang mangga? Kung ang sagot mo ay “oo”, isa sa napakasuwerteng tao na nakakatanggap ng benepisyo para sa iyong kalusugan. Ang mangga ay pambansang prutas ng mga bansang India, Pakistan at Pilipinas.
Ang prutas na ito ay makatas nahugis itlog at natatagpuan sa mga bansang may tropikal na klima. Ang itsura nito kapag hilaw ay kulay berde at dilaw naman kapag hinog na at may isang matigas na buto sa gitna.Ito ay kauri ng pamilya ng mga kasoy. Ang puno nito ay lumalaki ng mataas at may mga dahon na kulay berde at kung minsan ay mamula-mula rin.
Napakaraming uri ng mangga sa panahon ngayon tulad ng indian mango, apple mango, “manggang berat”, piko, manggang kalabaw at iba pa. Ang prutas na ito ay sagana sa mga bitamina tulad ng A, B, at C mabisang panlaban sa mga toksiko, nagtataglay ng “flavonoids” at phenols.
Matutunghayan natin ang kabutihan ng dahon ng mangga sa ating kalusugan:
1. Ang dahon ng mangga ay nakapagpapaganda ng presyon ng iyong dugo lalo na kung ito ay mataas sa pamamagitan ng pagbabad nito sa tubig.
2. Ang dahon na ginawang abo ay mabilis nakapagpapagaling ng sugat. Maglagay ng sapat na dami sa apektadong lugar.
3. Isang mabisang gamot din sa diabetes ay ang pagdurog ng dahon upang gawing pulbos at ang pagtimpla nito. Ito ay may mataas na sangkap ng “tannins”, “anthocyanins” na siyang nakagagamot ng panimulang yugto ng diabetes.
4. Ang dahon ng mangga ay mabisang panglunas ng pagkabalisa at madali itong maisasagawa sa iyong bahay para sa iyong kaginhawahan. Maglagay ng ilang dahon nito sa iyong pampaligo na may maligamgam na tubig. Sa bansang India, isinasabit nila ang mga dahon nito sa entrada ng kanilang mga bahay na siyang nakababawas ng “stress” at pagkabalisa.
5. Kung ikaw ay nakakapansin na may mabahong hininga, maaari kang gumawa ng lunas gamit ang dahon ng mangga na pinakuluan sa tubig at hinaluan ng pulot para sa tamis at gawing inumin.
6. Nakakatulong din ito sa mga may hika, sipon, lagnat at pamamaos ng iyong boses.
7. Nakalulunas ng “dysentery” ang dahon ng mangga sa pamamagitan ng pinatuyo at pinulbos na dahon na isinama sa tubig sa loob ng tatlong araw.
8. Ang ginawang isang kutsaritang katas mula sa dahon ng mangga ay maaaring gawing “eardrops” para maibsan ang pananakit ng iyong tenga.
0 Mga Komento