Hindi maikakaila ang mga benepisyo na nabibigay ng mga halamang gamot. Hindi lang ito nakakagaan sa bulsa, nakakatulong pa ito upang magkaroon tayo ng magandang kalusugan. Hindi tulad ng mga gamot sa botika na may side effects, ang mga halamang gamot ay hindi nakakasira ng ating atay o nagdudulot ng iba pang problema sa katawan dahil ito ay natural na galing sa kalikasan.
Isa sa mga mabisang halamang gamot ay ang dahon ng cactus. Ito ay ang mga malalaking dahon ng cactus na hugis peras (pear-shaped). Madalas na hindi ito pinapansin dahil sa ito ay maraming tinik, ngunit ang hindi alam ng karamihan ay may maraming benepisyo ang pagkonsumo ng dahon ng cactus. Ito ay nagtataglay ng maraming antioxidants tulad ng Vitamin A at C. Kakaunti ang calories na meron ang dahoon ng cactus na kung gagawin mo itong juice, ang isang baso ay naglalaman ng 14 na calories lamang.
Ito ay nagtataglay din ng potassium, magnesium, calcium, sodium at phosphorus at maaaring gawin gamot sa iba’t ibang sakit. Ito rin ay nakakatulong sa mga nasugatan dahil may anti-clotting, antiviral at anti-inflammatory ang cactus na nagpapabilis sa paghilom ng sugat at mga impeksyon sa katawan. Ang dahon ng cactus ay nakakatulong din sa mga taong mataas ang kolesterol at matataba. Tunay na maraming benepisyo ang cactus at kung iisipin, para na din itong wonder fruit dahil sa dami ng sakit na kaya nitong lunasan.
Ito ang iba’t ibang benepisyo na maaaring makuha sa dahon ng cactus para sa magandang kalusugan:
1. Pinagmumulan ng maraming sustansya.
Napakadaming sustansya ang mayroon sa dahoon ng cactus, na sa bawat parte nito ay maaring gawing gamot sa iba’t ibang sakit. Ang bulaklak nito hanggang sa tangkay ay may sustansyang nakakapagpabuti sa inyong kalusugan, tulad ng magnesium, potassium at phosphorus. Ang Magnesium at potassium ay nakakapagpatibay ng buto at muscle. Kaya naman kung ikaw ay nageehersisyo, magandang uminom ng juice ng dahon ng cactus.
2. Pinagmumulan ng Fatty Acids na kailangan ng ating katawan.
Ang ating katawan ay nangangailangan ng fatty acid upang mapaganda ng ating memorya at pangkabatiran o kognitibong kalusugan. Dahil dito, ang dahon ng cactus ay nakakatulong sa mga nagaaral dahil ito ay nagtataglay ng esensyal na fatty acid tulad ng linoleic acid.
3. Pinagmumulan ng Antioxidants
Ang dahon ng cactus ay may antioxidants na maaaring magpalakas sa ating immune system lalo na at ito ay nagtataglay ng Carotenoids. Kaya naman kung ikaw ay naghahanap ng masustansyang pagkain na makapagpapalakas ng iyong katawan laban sa mga sakit, magandang isama ang dahon ng cactus sa iyong pang araw-araw na pagkain.
4. Nagpapababa ng lebel ng cholesterol sa katawan.
Kadalasan sa mga taong mataas ang cholesterol, ay mas pinaprayoridad nila na umiwas sa mga pagkaing mataas ang cholesterol content at nakakalimutan nila na kumain ng mga pagkaing may kakayahang magpababa ng cholesterol. Isa na rito ang dahon ng cactus, na mabisa sa pagpapataas ng good cholesterol at pagtanggal ng bad cholesterol. Ito rin ay nagpapalakas ng ating cardiovascular health kaya naman nakakatulong din ito maiwasan ang heart attack at iba pang sakit sa puso.
5. Panlaban ito sa pamamaga.
Ang dahon ng cactus ay may anti-inflamatory properties na maaaring makaiwas sa pamamaga at pananakit ng sugat o sakit. Ito ay pinagmumulan ng bioflavonoid quercetin na pumipigil sa negatibong epekto ng free radicals sa ating dugo.
0 Mga Komento