Sa ating kultura at sosyal na paniniwala, karamihan sa atin ay mas gustong bumata at bumalik sa pagkabata. Mas attractive kasi ang pagkakaroon ng batang mukha sa opposite sex. Minsan pa nga, tinatago pa ng karamihang kakababaiha ang kanilang totoong edad. Pero lingid naman sa kaalaman ng ibang tao, karamihan sa mga kalalakihan ay mas gusto ang babaeng kaedad nila o mas matanda sa kanila.
Sa panahon ngayon may bilang na mga lalaki na gusto ang mas may edad na babae kaysa sa mga batang kababaihan. Sa ganitong mga layunin at hangarin narito ang mga dahilan kung bakit mas nagbubukudtangi ang mga kababaihan na mas matanda kaysa sa kanilang mga boyfriend. Narito at alamin:
1. Kayang kontrolin ang kanilang hormones.
Sa ating biological na pangangatawan ang mga hormoes natin ay may malaking impact sa ating pagkatao. Ang mga matured na babae ay mas may alam na kontrolin ang kanilang hormones kaysa sa mga bata. Kaya nilang magtimpi ng galit,mood at emotion dulot ng bigalaang pagbabago ng hormones nila sa katawan lalo na kung kabuwanan ng menstration nila.
Sa pamamamgitan nito mas na fafall in love ang mga batang kalalakihan sa kanilang attitude. Sabi nga nila ang character ay mas higit sa physical na attraction.
2. Mas marunong sa kama.
Aminado naman ang lahat na ang mas may edad na kababaihan ay mas magaling o marunong sa kama. Experience based ang lamang ng mga ito kaysa sa mga bata. Alam na nila ang kiliti ng mga lalaki at ang mga gusto nito.
Alam na ng mga matured na mga kababaihan ang kanilang role sa pagiging dominante o subordinate sa mga sitwasyong panghigaan.
3. Kilala na ang sarili.
Ang mga older woman ay hindi na obsessed sa kanilang hubog ng katawan.
Alam na nila ang kanilang priority pag dating sa katwan. Kung may pagababago ng nagyayari sa kanila, lubos na nila itong tangap at naiintindihan. Kaya ng mas confident na sila at marunong para na ibenta ang kanilang mga sarili sa kanilang kausap. Ang confidence level nila ang mas nagaatract ng kalalakihan kaysa sa kanilang hubong ng pngangatawan.
4. Marunong mag handle ng relasyon.
Ang mga batang kababaihan ay sabik sa romantikong relasyon na kadalasang nakakasakal at nakakairita sa mga kalalakihan. Samantalang ang mga may edad na kababaihan ay kayang intindihin ang mga lalaki pag dating sa oras, pakikipagusap at pag labas ng nararamdan maging ito man ay pag-ibig o hinanakit. Hindi nila kailangang ipag sigawan na sila ang dakilang girlfriend ng kanilang iniibig na lalaki, na kakabawas ng stress sa dahilan ng pagkakaroon ng responsibility nito sa pagkakaroon ng girlfriend.
5. Mas Independent.
Mas nakakbilib nga sa mg babaeng independent ang kalagayan. Ma-aamazed ang lalaki sa sitwasyong marunong sa buhay ang girlfriend nila, sa kadahilanang nakikita din nila ang future dito bilang isang asawa. Sa ganitong sitwasyon din nakikta ng kalalakihan ang pag handle ng babae sa sariling buhay nito.
6. May sariling pera, bahay o kotse.
Ang mga mas may edad na babae ay may napundar higit sa mga batang babae. Nakikita din itong advantage ng mga matatandang babae sapagkat ang mga bagay na ito ay nakikita at nahahawakan na siya ding gusto ng mga kalalakihan. Mas easy ngang makipagdate kung ang isa sa inyo ay may transportasyon sa kotse at mas easy ding makipag date kung may uuwiang bahay ang mga ito.
7. Hindi makasarili.
Ang mga may edad na babae ay hindi selfish. Marunong silang magbigay ng pahalaga sa mga oras, kaligayahan, gamit, attention na siyang kailangan sa relasyon. May pagmamahal sila sa kanilang sarili at sa kanilang boyfriend.
0 Mga Komento