Subscribe Us

Narito ang Natural na Solusyon at mga Paraan upang Pumuti ang inyong Nangingitim na Kili- Kili na Pwede niyong Gawin sa inyong Bahay.

Kayo ba ay nakakaranas ng pag- itim ng inyong mga kili- kili? Ilan lamang sa alalahanin lalo na sa mga kababaihan ang dumadating sa punto na nagkakaroon ng pangingitim ng ating kili-kili. Ito ay hindi masasabing isang medikal na kondisyon o sakit na nakakahawa na maaaring iwasan. Ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili ay gawa ng mga pamahid na atin inaapply sa araw-araw upang maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong amoy nito.
Ang isang indibidwal ay dumadaan sa tinatawag na “puberty stage” at karaniwang napagtatagumpayan sa stage na ito ang pagkakaroon ng buhok sa kili-kili lalo na sa mga kababaihan, at isa na ang pagpapawis ng di kaaya-aya. At ilan sa mga paraan upang maayos ito ay ang pag-aahit ng buhok, araw-araw na paggamit ng mga pamahid tulad ng “deo-lotion” na ilan sa mga pangyayari upang tayo ay makaranas ng pag-itim ng hugpungan ng ating braso balikat, at ng kili-kili. Karagdagan pa rito ay ang regular na paggamit ng pantagal na mga krema ng buhok sa “armpit”, labis na pagpapawis, pagkakaroon ng mga “dead skin”, at hindi maayos na kasuotan. 


Gayunma, mayroon isang kondisyon na maaari na ting masabi na isa rin dahilan kung bakit nagiging maitim ang kili-kili at ito ay tinatawag na “Acanthosis Nigricans” na siyang resulta ng pagkakaroon ng “hormonal imbalance”, mababa o mataas na antas ng insulin, iba’t ibang klase ng paggagamot at kung minsan ay sa kanser na rin.
Ilan lamang sa mga paraan upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng maitim na kili- kili ay maaari tayong gumamit ng mga iba’t-ibang sangkap o remedyo na ating makikita o makukuha sa paligid at ito ay ang sumusunod:

1. Patatas 
Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang patatas ay natural na nakapagpapaputi. Humiwa lamang ng maninipis nito na maaaring ilapat sa kili-kili ng mga ilang minuto at hugasan ng tubig pagkatapos. Para sa magandang kalalabasan, ito ay maaring gawin ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.

2. Balat ng Kahel
Isang mabisang paraan ang paggamit ng balat ng kahel sapagkat nakakatulong magpaputi rito ay ang “citirc acid” na sangkap nito. Maaaring gumawa ng pulbos nito mula sa pinatuyuang balat na ibinilad sa araw. Isama ito sa tubig na may halong katas ng rosas at iapply kasama ang may dalawang kutsarang pinulbos na balat ng kahel sa ating kili-kili. Iwanan ito ng mga ilang minuto at atin nang hugasan. 
3. Pipino
Katulad din ng sa patatas humiwa din ng maninipis nito at ating ilagay sa kili-kili na maaari nating gawin sa loob ng dalawa hanggang tatlong beses araw-araw o depende sa iyong kagustuhang makakamit ng magandang kalalabasan na resulta.
4. Pinaghalong pulot at oatmeal 
Ilapat ang timplang ito sa kili-kili ay makakatulong sa pagpapaputi nito. Mainam din ito sa mga namumula o naiiritang balat.

5. “Saffron” 
Bukod sa ito ay ginagamit sa pampalasa sa ating mga lutuin, ito rin ay maaaring gamitin sa pagpapaputi ng ating kili-kili. Ihalo ito sa lotion na ating gingamit, singdami ng dalawang kutsara upang makagawa ng timpla. Ito rin ay nakakatulong sa pagbawas na maaaring maging masamang amoy ng ating mga kili-kili.
6. Langis ng Niyog 
Atin na itong nakilala bilang isa sa may napakaraming kayang gawin sa ating kalusugan at isa na rito ang makapag-moisturize ng ating mga balat kung saan isang sanhi ng pag-itim ay ang pagiging tuyot ng ating balat sa parteng ito ng ating katawan. Ito ay may sangkap na Vitamin E na mahalaga at ginagamit sa mga parmasiyotiko bilang pampaputi.

7. Baking Soda 
Ito ay matatagpuan sa ating mga kusina at sa panahon ngayon ay napakaraming gamit katulad ng pagpapaputi sa ating mga “tiles”, lababo, sa palikuran, mga gamit pangkasuotan na nagkamantsa at pati na rin sa parte ng ating katawan tulad ng mga ngipin. Ito rin ay maaaring iapply ang sapat na dami nito sa ating mga kili-kili.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento