Mani (Peanuts)
Kapag narinig mo ang salitang peanut o “mani” ito ay kalimitang kinakain bilang papakin “finger foods” meryenda o madalas ka-partner sa serbesa bilang pulutan na kung saan mayroon saan mang sulok ng mundo. Ang peanut ay isang buto na katulad ng katangian ng “almonds”, buto ng kasoy na kasama sa pamilya ng mga mani.
Ang mga sumusunod ay ang mga benepisyong hatid sa ating katawan ng ng pagkain ng mani :
1. Ito ay Mabuti sa Ating Puso.
Ang peanut ay may mataas na-lebel ng “monounsaturated” and “polyunsaturated” fats na may abilidad na mapanatili ang malusog na puso. Bukod pa dito meron din itong “oleic acid” na nag papababa ng masamang kolesterol at mapataas naman ang mabuting kolesterol sa ating pangangatawan.
2. Nakatutulong sa Pagbaba ng Timbang.
Ayon sa pag aaral, ang mani ay may kaugnayan sa pagpapanatili ng ating timbang. Kahit na ang ito ay may mataas na “calories” at “fats” Hindi parin ito maaaring makaapekto sa pag taas ng ating timbang.
3. Nakapag Papataas ng Enerhiya.
Kilalang-kilala rin ang peanut o “mani” bilang nakapagpapalakas ng enerhiya sa ating katawan. Meron din napakaraming bilang ng bitamina, mineral, “antioxidants”, nakapagpapalusog at mga nutrina na pinanggagalingan ng mataas na enerhiya.
4. Naaagapan ang Pagkakaroon ng Bato sa Apdo.
Ang palagiang pag kain ng mani ay mainam paraan upang mabawasan ang posibleng pagkakaroon ng “gallstones” na ayon sa pag aaral ang sakit na bato sa apdo ay nakaaapekto sa pagitan ng sampu hanggang dalawampu’t limang porsyento ng mga nasa wastong gulang. Sa kada tatlumpung gramo ng mani kada araw ay may malaking tulong hanggang dalawamput limang porsyento na mapababa o mabawasan ang ganitoung kondisyon.
5. Nakakapagpabuti ng ating Memorya.
Mas kilala din natin na ang “Peanut” sa tawag bilang pagkaing pang patalino o “brain food” sa kadahilanang may sangkap itong “Vitamina B3” na may matinding kakayanan maging aktibo ang ating utak at makapag pataas ng memorya.
6. Panlaban Sa Anumang Sakit na Cancer.
Ang Peanut ay binubuo ng “polyphenolic antioxidants” na may magandang benepisyo para masugpo ang tinatawag na “Gastric Cancer”, makakatulong na malimitahan ang pagdami ng “carcinogenic nitrosaminies”.
7. Panlaban Sa Depresyon.
Ito’y may kemikal na may makabuluhang tungkulin para makontrol ang kondisyon ng ating utak. ito ay ang tinatawag na “Serotonin”. Ang amino acid “tryptophan” kemikal na matatagpuan sa mani ay may malaking tulong upang mapalabas ang tinatawag na “serotin”. Samakatuwid, ang mani rin ay isa sa mainam na pang-iwas sa depresyon.
8. Makakaiwas sa sakit na “Alzheimer”.
Ayon sa pag aaral ang pagkaing may malaking sangkap ng “Vitamin B” o “Niacin” na katulad ng Peanut ay halos may pitumpung porsyentong posibilidad na makaiwas sa ganyang klaseng karamdaman.
9. Proteksyon Sa Pagbubuntis.
Madalas na pagkain ng “Peanut” o Mani habang nagdadalang tao ay makaiiwas sa anumang banta ng “allergic illness” na tulad ng “asthma” o hika.
10. Nakakapagpakinis at Nakapagpakintab ng Balat.
Maraming mga patunay na may mga sangkap ang mani na mabisang pampakinis ng kutis at pampakintab ng balat, Bukod pa rito ang “dietary fiber” na sangkap nito ay may malaking parte upang makaiwas sa labis na toxin na dahilan ng malambot at makinis na kutis.
11. Pag-iwas sa pagtanda at pagkulubot ng mukha.
Maiiwasan ang pagkakaroon ng mga kulubot lalo ng ating mga mukha at kung tayo ay kukunsumo ng mani na sinasabing may mataas na sangkap ng Vitamin C
na siyang gumagawa ng mga collagen upang mabanat ang ating mga balat.
MGA ILANG PAGSASAGAWA:
- Ang mani ay kadalasan ding kinakain o mabibili sa mga tindahan. Iba’t ibang klase ito tulad ng nilaga, binusa o gawa ng mga kompanya na naka “pack” na.
- Ang paglalaga din ng mani ay nagdadala ng masustansya at may kaakibat na panlaban sa sakit.
- Ang pagbili ng peanut butter o palaman na gawa sa peanut ay isa ring paraan ng pagkonsumo nito.
- Ang mga dinurog na mani o mismong butil nito ay maaari rin gamitin sa mga salad.
- Maaari ring gumawa o gumait ng langis galing sa mani na maaari natin ilagay sa mga pagkaing ating niluluto bilang pampalasa.
PAALALA:
Ilan sa ating mga mamamayan ay maaaring dumanas ang “allergy” sa pagkain ng mani o sa mga pagkain na ginamitan ng mani. Ang pagsusuka, pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga, pananakit ng tyan, at pamamaga o mas matindi ay ang mamatyay ay ilan lamang sa maaari nating makita kung tayo ay may “allergy” sa mani.
0 Mga Komento