Gusto mo bang magkaroon ng maganda at flawless na kutis ngunit hindi kaya ng budget ang mga bagong skin care products na minsan pa nga ay panget ang resulta? Pwes, panahon na upang matutunan ang mga DIY peel-off masks.
Ang peel-off masks ay importanteng bahagi ng iyong skin care routine. Ito naman ay di kailangang araw-arawin. Maaari ngang isa o dalawang beses lamang sa loob ng isang linggo. Ang mga masks na ito ay ginagamit pang detoxify, purify, at para sa brightening effects na dala nito. Ang mga sumusunod ay ilan sa pinakamainam na homemade peel-off masks para sa glowing at spotless na balat:
1. Gelatin Homemade Peel-Off Mask.
Natural na malagkit ang gelatin kaya naman mainam itong gamitin bilang peel-off mask. Sa katunayan, ang gelatin ay isa sa mga pangkaraniwang sangkap ng peel off masks na ating nabibili.
Tinutulungan ng gelatin na malinis ang mga pores at pasikipin ito upang hindi magkaroon ng wrinkles at fine lines. Paghaluin lamang ang 1 kutsarang unflavoured gelatin, 1 ½ kutsarang gatas at ilang patak ng lavender essential oil. Painitin ang mixture sa double boiler. Tanggalin ang bowl mula sa init at hayaan itong lumamig. Maaari mo nang gamitin ang iyong gelatin peel-off mask.
2. Activated Charcoal Homemade Peel-Off Mask.
Ang activated charcoal ay isa pang pangkaraniwang sangkap ng mga peel-off masks na ating nabibili sa mga drug stores. Tinatangal nito ang dumi, toxins, at sebum mula sa pores ng balat. Sa peel-off mask na ito, kakailanganin din nating maglagay ng gelatin. Paghaluin ang ½ kutsarita ng activated charcoal at ½ kutsarita ng unflavored gelatin. Magdagdag ng 1 kutsarang maligamgam na tubig. Haluin ng maigi. Handa na ang iyong activated charcoal peel-off mask.
3. Egg White Homemade Peel-Off Mask .
Pangkaraniwang malagkit ang egg whites kaya naman mainam itong gawing base para sa homemade peel-off mask. Tinutulungan ng egg whites na lumiit ang malalaking pores sa balat pinipigilan ang whiteheads at blackheads. Batihin ang egg whites mula sa isang itlog. Maglagay ng dalawang pahid nito sa mukha. Maglagay ng maliliit na piraso ng tissue paper hanggang mabalot ang buong mukha. Ulit ang paglagay ng egg white at tissue paper ng mga 1 o dalawang beses pa. Tapusin ito gamit ang isang makapal na pahid ng egg white. Hayaang matuyo. Pagkatapos ng 20 minuto, dahan dahang tanggalin sa mukha.
4. Orange Homemade Peel-Off Mask .
Ang orange o kahel ay natural na mayaman sa antioxidants na nakatutulong na labanan ang free-radical damage at syang nagproprotekta sa balat laban sa pagtanda. Nagbibigay rin ito ng golden glow sa balat at nakakapag rejuvenate rin. Paghaluin ang 4 kutsara ng orange juice at 2 kutsaranf unflavored gelatin powder. Painitin ito sa double boiler habang tuloy-tuloy na hinahalo upang matunaw ang gelatin powder. Tanggalin ito sa kalan at palamigin. Handan a ang iyong orange peel-off mask.
0 Mga Komento