Ang buto ay syang tunay na pinakamatigas na mineral sa katawan ng tao, ito rin ay buhay at lumalaking tissue. Ito ay binubuo ng dalawang pangunahing materyal, ang collagen (protina) at calcium (isang uri ng mineral).
Ang buto ang nagdadala ng lakas, balanse, at suporta sa buong katawan. Kabilang na rito ang internal organs at ang pagsuporta sa kalamnan. Kalakip ng balanseng dyeta, importante rin ang pageehersisyo. Upang makuha naman ang kinakailangang nutrients ng isang malakas na buto, maaari mong subukan sa simpleng paginom ng juice na ito.
Ang mga sumusunod ay ang pangunahing sangkap:
1 ½ tasa ng Spinach
½ tasa ng Orange Juice
1 buong Pipino (Hiniwa-hiwa)
2 Green na Mansanas (Hiniwa-hiwa)
1 pirasong luya (Binalatan)
Pamamaraan sa Paggawa ng Juice:
1. Hiwain ang green na mansanas sa maliliit at ilagay sa juicer.
2. Tanggalin lahat ng tangkay ng dahon ng spinach at ilagay sa juicer.
3. Ilagay ang hiniwang pipino sa juicer.
4. Balatan at hiwain ang isang pirasong luya at ilagay sa juicer.
5. Ilipat ang juice sa isang baso at ihalo sa orange juice.
6. Haluin ng mabuti. Kung kinakailangan, magdagdag ng kaunting tuig upang mas mainam ang timpla.
7. Maaaring magdagdag ng yelo. Inumin ito araw-araw tuwing umaga.
Ang mga sumusunod naman ay ang mabuting dulot ng mga sangkap sa iyong buto:
1. Spinach – Ito ay mainam na pinagkukunan ng Vitamin K, ang isang tasa ng Spinach ay nagbibigay ng 181 porsyento ng kinaiilangan Vitamin K ng katawan. Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng sobrang osteoclast na syang nagpaparupok sa buto. Ito rin ay nagtataglay ng Magnesium at Calcium na kailangan ng buto.
2. Orange Juice – Ang Orange Juice ay may Vitamin D na kailangan ng buto at kalamnan. Tinutulungan kasi nito na mas maabsorb ng buto ang calcium na kailangan naman upang magkaroon ng matibay na buto. Ang kakulangan nito ay nagpapanipis at nagpaparupok ng buto na syang nagdudulot ng rickets sa kabataan at osteoporosis naman sa mga matatanda.
3. Pipino – Ang pipino ay mainam na pinagkukunan ng Vitamins A, B, at C gayon na rin sa mga minerals katulad ng Calcium, Magnesium, Phosphorus, at Potassium. Ang mga mineral na ito ay hindi lamang nagha-hydrate sa katawan, nagpapatibay rin ito sa mga buto. Ang carbohydrates at Vitamin B naman sa pipino ay syang nagcoconvert sa pagkain upang maging glucose na syang nagbibigay sa atin ng enerhiya.
4. Luntiang Mansanas – Ito ay nagtataglay ng flavonoid na Phloridzin, na sya naman nagpapababa ng tyansa na magkaroon ng osteoporosis sa pamamagitan ng pagtaas ng bone density at pagpapaganda ng inflammation markers. Ito rin ay mayroong Vitamin C na syang kailangan sa produksyon ng collagen.
5. Luya – Ang luya ay kilala sa pagpapawala ng sakit sa kasu-kasuan pati na rin sa pagpapaganda ng kalusugan ng buto. Ito ay mayroong organic compound na kilala bilang gingerol na mayroong matinding anti-inflammatory properties.
0 Mga Komento