Bilang isang magulang dapat nating alamin ang mga pagkain na kinakain ng ating mga anak. Mga masusustansyang pagkain, tamang oras ng pagkain at uri ng pagkain ang madalas problema nating mga magulang.
May mga batang masyadong mapili sa mga pagkain na kakainin nila na minsan ay dahilan ng pagkawala nila ng gana minsan naman ay dahilan ng sobra nilang pagkain ng mga pagkain na gusto nial. Habang may mga bata na malakas kumaen, meron din naman na oras oras nagugutom, meron pala itong ibig sabihin o meron na pala silang problema.
Narito ang Limang dahilan ng oras oras na pagkagutom ng mga bata:
1. Para sa kanila ang Pagkain ay kanilang asosasyon.
Kapag ang bata biglang malungkot, madalas pumupunta sa sulok o nanunuod ng telebisyon at nagsabing sila ay gutom, mayroon itong ibang dahilan maliban sa sila ay gutom. Alam nila na kapag sinabi nila sa kanilang magulang na gutom sila agad naman silang bibigyan nito ng pagkain.
Solusyon:
Ang mga magulang ay dapat pinapakain ang bata sa oras na dapat siya kumain hindi sa kung kailan niya gusto kumain. Ang pagkain ng sama sama sa hapagkainan ay nakakatulong sa mga bata ng tamang pagkunsumo ng pagkain at maiwasan ang paghingi ng makakain, pagkain sa sasakyan at sa harap ng telebisyon.
2. Wala sa hapagkainan ang mga gusto nilang kainin.
May mga batang pupunta sa hapag kainan at kapag nakita nila na wala doon ang mga gusto nila, kakain lang sila ng kaunti at pagkatapos biglang magsasabi na busog na pero makalipas ang ilang oras ay hihingi ulit sila ng makakain.
Solusyon:
Magplano ng isang salo salo kasama ang buong pamilya at siguraduhin na mayroon kahit isa o dalawa sa hapag kainan ng mga pagkain na gusto ng mga bata. Ito ay para maiwasan ang pagkawalang gana nilang kumain.
3. Pakiramdam nila sila ay laging pinagbabawalan.
Madalas itong nararamdaman ng mga bata lalo na kapag may mga gusto silang kainin kagaya ng mga matatamis na pagkain pero pinagbabawalan ito ng kanilang mga magulang. Ito ang dahilan kaya sila ay nasasabik sa mga pagkain at kapag oras na pwede silang kumain ng mga pagkain na painagbawal sa kanila ay dadamihan nila dahil para sa kanila kakanin nila ito habang pwede pa.
Solusyon:
Hayaan natin ang bata na matapos kumain. Ang mga batang pinagbabawalan sa umpisa ay kakain ng madami at titigil pag alam nila tama na ang kinain nila. Dapat din nating ibalanse ang mga pagkain at matatamis dahil kung anong nakikita ng bata ito ang gagayahin nila.
4. Habang lumalaki sila mas madami ang kinakain nila.
Minsan kapag ang bata ay gutom, gutom lang talaga sila wala ng ibang dahilan pa. Habang lumalaki sila nagbabago din ang oras o dami ng pagkain nila. Mas madali silang magutom, minsan kakakain lang nila pero kakain ulit sila.
Solusyon:
Hayaan mo silang kumaen, pakainin mo sila ng mga pagkain na madalas nilang Makita at mga pagkain na hindi nila kilala para malaman mong lumalaki na talaga sila. Bigyan at pakainin mo sila ng mga pagkain na masustansya at samahan mo ito ng pagmamahal para masubaybayan mo ang paglaki nila.
5. Pagkukulang sa Pagkain.
May mga magulang na nagtataka bakit ang kanilang mga anak ay oras oras nalang nagugutom. Hindi natin namamalayan na ang kinakain na pala nila ay kulang na sa sustansya. Minsan masyado tayong nakatingin lang sa isang uri ng pagkain, nakakalimutan na natin na dapat ito ay hahaluan din natin ng iba pang masusustansyang pagkain. Halimbawa nalang ang mga pagkain na puro may preserbatibo na kadalasang kinakain ng mga bata ngayon ay pwedeng magdulot ng pagkagutom nila oras oras.
Solusyon:
Dapat alamin natin ang mga pagkain na dapat nating ipagsama sama tulad ng pagkain na mayaman sa carbohydrates, protina at fats na siguradong magugustuhan ng mga bata.
Hindi sapat na alam lang nating ang hilig ng ating mga anak, dapat din nating alamin kung tama paba ang kinakain nila o ang oras ng pagkain nila para mapanatili natin ang kanilang kalusugan.
0 Mga Komento