Nararanasan nyo din ba na antukin pagkatapos kumain?. Yung busog na busog ka habang nagpapahinga tapos bigla kang makakaramdam ng antok?. Hindi ba kayo nagtataka na bakit ito nangyayari at kung okay lang ba na matulog tayo pagkatapos kumain?. Halika at ating alamin.
Ang nararamdamang antok pagkatapos kumain ay karaniwang nararamdaman ng tao at hindi mo ito dapat ikabahala. Narito ang mga dapat gawin para maiwasan ang nararamdamang antok pagkatapos kumaen.
1. Ang iyong diet.
• Mayroon mga pagkain na mdaling matunaw sa loob ng katawan tulad ng mga gulay at whole grains na pwede magdulot ng enerhiya sa atin at labanan ang antok. Ang paginum din ng tubig, pagiwas sa mga matatamis na pagkain at paglimita ng mga kinakain ay makakatulong din.
• Ngunit hindi lahat ng pagkain ay madaling matunaw sa loob ng ating katawan, mayroong mabilis matunaw mayroon ding mabagal. Ilan sa mga pagkain na hindi madaling matunaw na pwede magdulot ng pagkaantok ay ang Karne ng Pabo, mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng Keso, Itlog, Alugbati, Tokwa at ang mga isda na mayroong amino asid na tryptophan.
2. Ang iyong oras ng pagtulog.
• Alam nyo ba na kapag hindi kumpleto ang pagtulog nyo sa gabi ay pwede magdulot ito ng pagkaantok kapag ikaw ay busog at namamahinga pagkatapos kumain. Ayon sa Mayo Clinic, ang kumpletong tulog at tamang oras ng pagtulog ay nakakatulong makaiwas sa stress at pagkaantok. Ayon pa sa kanila, iwasan ang pagidlip sa tanghali para makakuha ng kumpletong tulog sa gabi.
3. Maglibang gamit ang iyong pisikal na aktibidad.
• Maliban sa maayos na pagtulog sa gabi, ang pageehersisyo ay nakakatulong para maging alerto ka buong araw at makakaiwas na maghina ang iyong katawan. Ang pageehersisyo din ay nakakatulong mapalakas ang iyong inerhiya at madaling pagkapagod. Ito rin ay nakakatulong para maging aktibo ka sa mga pisikal na aktibidad na pwede mong maging dahilan para maiwasan ang pagkaantok.
4. Ang iyong Panunaw.
• Ang ating katawan ang nangangailangan ng enerhiya para tayo ay makapagtrabaho o makagawa ng mga importanteng bagay na dapat gawin. Ang enerhiyang ito ay hindi lang sa pagtakbo o pagpunta sa mga gym nakukuha, makakakuha ka din nito sa simpleng paghinga. Nakukuha din ang enerhiya sa mga kinakain natin lalo na sa mga pagkain na may glucose na pinaghihiwalay ng ating digestive system.
Mga iba pang kondisyon ng ating kalusugan pagkatapos kumain:
1. Ang nararamdamang pagod o antok pagkatapos kumain ay may pinapahiwatig din na ibang klase ng sakit sa loob ng ating katawan tulad ng, Anemia o kakulangan sa pulang dugo, Diabetes, Sakit na Celiac, hindi aktibong Thyroid, at sleep apnea o sandaliang pagkawala ng hininga pagnatutulog o mas kilala sa tawag na simpleng hilik. Kung madalas ka mapagod at mayroon kang sakit sa mga nabanggit mainam na kumonsulta sa doktor para mapayuhan o mabigyan ka ng mainam na gamot para dito.
2. Ang nararamdamang pagod pagkatapos kumain ay karaniwan lang maramdaman ng isang tao at ibig din nitong sabihin na ang ating katawan ay umaayon sa pagtunaw ng ating kinakain. Ngunit mas mainam pa din na bumisita sa isang doktor at pagusapan ang bagay na ito.
0 Mga Komento