Gusto mo bang pumayat o bumaba ang iyong timbang?. Naghahanap kaba ng mga paraan o nakasubok ka naba ng paraan kung paano bawasan ang iyong timbang?. Water Fasting o Pagaayuno gamit ang Tubig lang ang solusyon sa problema mo, narito ang 10 benepisyo ng Pagaayuno gamit ang Tubig (Water Fasting).
Ang pag-inom ng tubig ay isang paraan ng pagbabawas ng timbang na kung saan ang tubig lang ang iyong iinumin at wala ng iba pa sa buong araw o oras ng pagaayuno( water Fasting). Marahil ang iba sa inyo ay mag-iisip nab aka lalong magugutom ang taong gagawa nito, subalit dyan kayo nagkakamali. Ang tubig ay isa sa pinakagandang panglinis at pangtanggal ng mga lason sa ating mga katawan. Ang mga benepisyo nito ay kinikilala, tinatangkilik at pinapayo ng Ayurveda at Naturopathy pati na ang mga doctor na sundin o gawin ng kanilang mga pasyente bago ang operasyon para makaiwas sa ano mang komplikasyon. Halika at tingnan natin kung ano- ano ang meron dito.
Ito ay isang uri ng pagdidiyeta na walang kang makukuha na calories. Kapag ang isang tao ay nasobrahan ng chemical o acid sa loob at labas ng katawan ay pwede magdulot ng pagkakasira sa mga tissues na siyang nagaalis ng mga dumi sa ating katawan. Sa loob ng 2 hanggang 7 araw na tubig lang ang iniinum ng isang tao ay wala syang calorie na makukuha na kung saan ay nakakatulong maayos ang mga tissues sa ating katawan.
Benepisyo ng Pag inom ng tubig sa loob ng Pitong Araw:
1. Nakakatulong sa matagal na pagtanda ng katawan.
2. Nakakatulong upang gamutin ang mga sakit tulad ng gastritis, Pagtatae, Dsyspepsia.
3. Nakakatulong maiwasan ang sakit sa puso.
4. Ang pagkawala ng calories sa ating katawan ay nakakatulong makapababa ng timbang.
5. Nakakatulong maiwasan ang pagtaas ng sugar.
6. Nakakatulong sa mabilis na paggaling ng katawan dulot ng mga pamamaga.
7. Nakakatulong maiwasan ang sobrang stress, ang pagtaas ng dugo at nagbibigay ng bagong lakas sa ating mga katawan.
8. Nakakatulong mabawasan ang mga kanser cells sa ating katawan.
9. Nakakatulong makaligtas o makaiwas sa sakit.
10. Nakakatulong para sa ating pagsisiyasat ng panloob at panlabas nating sarili.
Paalala ang pagaayuno na gamit lang ang tubig ay pwede lang sa mga taong kaya makatagal na walang calories sa kanilang katawan. Ang mga taong may sakit ay pinapayuhang kumonsulta muna sa mga doctor bago gawin ito para maiwasang magkaroon ng problema.
0 Mga Komento