Isa sa mga importanteng bagay na dapat malaman ng karamihan ay ang mga masasamang senyales habang nakikipagtalik. Maraming mga bagay na nakakapagdulot ng magandang resulta sa ating kalusugan ang dulot ng sex.
Ngunit may mga bagay din na naidudulot ito na hindi maganda sa katawan lalo na kung may nararamdaman na hindi kanais-nais habang ginagawa ang pagtatalik. Isa sa mga naidudulot ng sex ay ang biglaang pag taas ng excitement at confidence. Dahilan ito upang mas ganahan ang mga tao para ma-improve nila ang aktibidad nila sa pang araw-araw. Ngunit kapag ang isang individual ay nakaranas ng hindi magandang experience habang nakikipag-sex, posible na nagbibigay ito ng pahiwatig na may mali sa iyong pangkalusugan.
Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists, halos 75 percent ng kababaohan ay nakakaranas ng hindi kanais nais na pakiramdam habang nakikipag-talik. Kaligayahan ang naidudulot ng sex ngunit karamihan sa mga kababaihan ay nakakaranas ng sakit habang nakikipagtalik Maraming posibleng dahilan kung bakit nakakaranas ng sakit sa pagtatalik.
Isa sa mga dahilan nito ay ang sobra-sobrang pagtatalik. Posible rin na may “semen allergy” din ang partner o kaya naman ay may “endometriosis” na kung saan ang loob na bahagi ng uterus tumutubo palabas na nag reresulta ng sakit habang nakikipagtalik.
Ito ang mga dahilan ng masakit na pagtatalik:
1. Vaginismus.
Ang Vaginismus ay isang kondisyon na kung saan ang muscle sa vagina o ari ng kababaihan ay kusang sumasara o humihigpit habang nakikipag-sex. Hindi lang habang nakikipagtalik ngunit maari din na eto ay mangyari habang naglalagay ng “tampon.” Ayon sa mga eksperto, resulta eto ng matinding takot o nerbyos habang nakikipagtalik. May mga pisikal na aspeto rin na nagreresulta sa kondisyon na “vaginismus” ngunit maraming panlunas o therapy na makakapagpagaling sa kondisyon na ito. Mas mainam na lumapit at humingi ng opinyon sa espesyalistang doktor.
2. Kulang Sa Lubrikasyon o Panunuyo.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit karamihan sa mga kababaihan ay nakakaranas ng masakit na pakikipagtalik. Resulta eto ng sobrang stress at pagod o posibleng kulang sa “foreplay.” Ang simpleng lunas para dito ay ang pagamit ng lubricant o pampadulas na maaaring gamitin habang nakikipagtalik.
May mga medikasyon rin na maaaring makatulong para maiwasan ang panunuyo habang nakikipagtalik. Kinakailangan na lumapit muna sa doktor bago subukan ang iba’t-ibang uri ng lunas.
3. Endometriosis.
Ito ay isang malubhang karamdaman na kung saan ay may mga laman na tumutubo sa labas na parte ng “uterus.” Ang paglaki ng bahaging ito ay maaaring kumalat sa “cervix,” “fallopian tubes,” “ovaries,” at “bladder.” Isa ito sa mga rason kung bakit nakakaranas ng matinding sakit at hindi kanais-nais na pakiramdam habang nakikipagtalik.
Ang sintomas na ito ay maaaring tumagal ng dalawang araw o higit pa pagkatapos ng sex. Isa rin sa mga sintomas ng endometriosis ay ang masakit na pag-iihi o pagdudumi. Nag-reresulta rin ito ng “bloating at nausea.” Sa ngayon, wala pang direktang panlunas para sa ganitong sakit ngunit may mga panlunas para maibsan ang mga sintomas nito.
4. Vaginitis.
Ito ay isang kundisyon na kung saan ang “vagina” o ari ng kababaihan ay namamaga dahil sa impeksyon na dulot ng “bacteria” o “yeast.” Isa rin sa mga sintomas nito ay ang paglabas ng “discharge” sa ari na may kasamang matinding sakit o mainit na pakiramdam sa bukana ng “vagina.” Mainam na lumapit sa doktor upang malunasan ng maagap bago pa ito lumala. 5. Semen Allergy
Ito ay isang madalang na kondisyon na nakakaapeko sa nakakaraming kababaihan. Nagsisimula ito sa pamumula na lumalala hanggang ito ay mamaga at magdulot ng sakit at pangangati. Maaari itong tumagal ng ilang araw at mas mainam na lumapit sa espesyalistang doktor upang di na ito lumala.
0 Mga Komento