Ang mga dahon ng bayabas ay isa sa pinakaepektibo at natural na alternatibo na siyang nakakatulong sa ilang problema sa balat katulad ng taghiyawat, mga marka o guhit sa mukha, kalat-kalat at hindi pantay na kulay at pati na rin ang mga pekas.
Narito ang ilan sa mga paraan upang malunasan ang mga iba’t- ibang uri ng sakit:
1. LUNAS SA PAMAMAGA O PAMAMANTAL NG BALAT.
Ang dahon ng bayabas ay nakakatutulong sa paghupa ng pamumula at iritasyon na dulot ng “allergy” o pangangati. Ang mga dahong ito ay may abilidad na gumawa ng “histamines” sangkap na panlaban sa mga kemikal na nagdadala ng pagbabahing,pangangati, at pamamaga kung saan ito ay sintomas ng “allergy”.
2. PANGGAMOT SA TAGHIYAWAT.
Ayon sa pag-aaral na sinaliksik ng “The American Journal of Chinese Medicine”, ang dahon ng bayabas ay siyang pinakamabisa laban sa mga mikroskopikong organismo na nasa taghiyawat dahil sa mga kakayanan nitong labanan ang mga bakterya. At karagdagan pa rito, ang paggamit ng dahon nito ang maaaring makabawas sa patuloy na pagdami ng taghiyawat at lubusang pagkinis ng balat.
3. NAKAKABAWAS NG KULUBOT SA MUKHA.
Base sa mga pananaliksik, ang dahon ng bayabas ay mas may malaking benepisyo kaysa sa bunga nito. Naglalaman ito ng mga “anti-cancer properties” nasiyang nakakasira sa mga “free radicals” ng ating katawan. Ito rin ay may sangkap na pinakamabisa laban sa kulubot na siyang nakakatulong sa kalidad ng ating itsura.
4. NAKAKAPUTI AT NAKAKATULONG SA PAGPANTAY NG KULAY NG BALAT.
Ikaw ay magkakaroon ng kakayahan na mapaputi ang mga maiitim at mamula-mulang mantsa lalo na sa iyong mukha sa paggamit ng dahon ng bayabas. Ito ay isang “tonic agent” na tumutulong sa paghupa ng pangangati sa pagbawas o pagtanggal sa mga mikroskopikong organismo.
Pagdating sa malalang pangangati o “atopic dermatitis”, maaari tayong gumamit ng tuyong dahon ng bayabas. Ang kailangan lang gawin ay durugin ito at idagdag sa tasa ng tubig na makakatulong sa pag-alis ng pamumula at patuloy na pangangamot sa balat upang ikaw ay makaramdam ng gaan sa pakiramdam.
Sa ganitong mga kaso sa balat, marapat lamang na magdurog ng ilang dahon ng bayabas at idagdag ito sa kaserola na may kumukulong tubig. Kung ang kulay ng dahon ay naging mamula-mula na at mukha na itong puro, maaari ng tanggalin ang mga dahon at simulan na itong palamigin sa loob ng ilang minuto. Pagkatapos, maaari ng ilagay ang solusyong ito sa apektadong lugar ng iyong balat gamit ang bulak. Iwanan ito sa loob ng labinlimang minuto at hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig.
Upang makita ang magandang resulta, ang panglunas na ito ay gawin ng dalawang beses sa isang linggo.
0 Mga Komento