Walang nakakaalam kung kelan magkakaroon ng delubyo, o kung gaano ito kalakas. Ang mahalaga sa mga sitwasyong ito ay ang pagiging handa. Ang pagbuo ng isang home emergency kit ay makakapagbigay ng luwang sa iniisip kapag mayroong delubyo at maaari pang ihanay sa mga kinakailangan ng isang pamilya. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaaring ilagay sa Home Emergency Kit.
1. Tubig – Siguraduhing mayroong nakaimbak na 1 gallon ng tubig pa ra isang tao sa isang araw. Importante na hydrated at mayroong malinis na tubig.
2. Pagkaing di agad nabubulok – Kasama dito ang kung ano mang pre-packed, katulad ng candy bars, canned goods. Mga pagkaing di kailangan ng ref at di rin kailangan iluto.
3. Radyo – Kailangan ang radio upang makibalita sa PAGASA at upang up to date sa kalagayan ng lugar kung nasaan ka.
4. Flashlight – Siguraduhing may flashlight upang magbigay ng mainam naliwanag sa isang lugar.
5. Backup na baterya – Maghanda ng isang set ng backup batteries para sa radio at flashlight, o kung ano mang kakailanganin ang mga ito.
6. Cellphone at PowerBank – Siguraduhingmay powerbank upang magamit parin ang cellphone kahit na nawalan na ng supply ng kuryente.
7. First Aid Kit – Siguraduhing mayroong bandage, Paracetamol, gamot para sa sakit at iba pang first aid items.
8. Dust Mask – Kung sakaling mayroong mga nahuhulog na guho o makapal na alikabok sa hangin, kailangan mayroong dust mask para sa buong pamilya.
9. Posporo – Ilagay ang mga ito sa waterproof na lalagyan. Pwede itong gamitin bilang pinagkukunan ng ilaw at init kapag may sakuna.
10. Personal Hygiene items – Ilagay ang mga pangunahin sa isang maliit na travel bag, katulad ng sipilyo, toothpaste, suklay, shampoo, at tawas.
11. Pasobrang kobre kama at kumot – Kung mayroong bagyo o nasa malamig na lugar, kailangan ito upang pananggala sa lamig.
12. Pamalit – Siguraduhing mayroong mga pamalit. Piliin yung mga madaling masuot at kumportable.
13. Pera – Siguraduhing mayroong nakatagong pera para sa mga pagkakataong hindi pwedeng gumamit ng debit o credit card.
14. Susi – Siguraduhing may extrang set ng mga importanteng susi katulad ng susi ng bahay at kotse. Mainam rin ito kapag nasira ang orihinal o di mahanap.
15. Kubyertos – Mainam na mayroong mga plastic na kubyertos na pwedeng itapon para di na kailanganing hugasan pa ito.
16. Multipurpose Tool – Kailangan ito sa mga pagkakataong gaya kapag ang linya ng tubig ay dapat isara, mas amdali kung mayroong plais.
17. Prescription Medicine – Mainam kung mayroong kahit pangtatlong araw na supply ng gamot na kailangan sa sensitibong sakit katulad ng diabetes, etc.
18. Pagkain sa alaga – Kung may alagang hayop, siguraduhing mayroon din silang tubig at pagkain para sa tatlong araw.
19. Abre Lata – Mahalaga ito upang mabuksan ang mag baong canned goods.
20. Mahahalagang papeles – Kasama dito ang birth certificates, insurance, ID, at iba pang papeles na hindi basta basta napapalitan.
0 Mga Komento