Ang beer pala na inumin ay may magandang epekto sa ating katawan, marahil madami sa atin ang hindi nakakaaalam nito. Halika at ating alamin kung anu-anu ang mga magagandang epekto at benepisyo nito sa atin.
Mga Benepisyo ng paginom ng beer:
1. Para sa ating Buto.
• Ayon sa pag-aaral ang beer ay nagtataglay ng silicon na tumutulong para maiwasan ang mga sakit na pwede dumapo sa ating mga buto at pinapatibay din nito ang ating mga buto.
2. Para sa ating kidney o bato.
• Ang paginom ng beer ay nakakatulong mapanatili ang kalusugan ng ating kidney o bato. Ayon sa pag-aaral ang beer lang sa lahat ng mga inumin na may alkohol ang pwedeng magpaganda ng kalusugan ng ating bato at tinutulungan din nitong maiwasan na magkaroon ng tayo ng kidney stone.
3. Para sa ating Digestion o Panunaw.
• Ang bawat baso ng beer ay nagtataglay ng soluble fibre na syang nakakatulong sa ating panunaw lalong lalo na ang mga beer na masyadong maitim ang kulay.
4. Para sa ating dugo.
• Ang beer ay may mga sangkap na tumutulong para maiwasan ang pagbabara o pagbubuo ng ating mga dugo sa ating mga ugat.
5. Para sa ating Kolesterol.
• Ang fibre na dulot ng beer ay nakakatulong din mabawasan ang dami ng kolesterol sa ating katawan.
6. Para sa ating Pagtulog.
• Ang beer ay nakakatulong gamutin o maiwasan ang pagkakaroon ng insomnia o ang hirap sa pagtulog.
7. Para sa ating memorya.
• Ayon sa pag-aaral ang mga taong umiinom ng beer ay may maliit na tyansa magkaroon ng sakit na Alzheimer at dementia o mga sakit sa ating utak.
8. Para sa ating balat.
• Magandang balita para sa mga babaeng umiinom at hindi umiinom ng beer. Ang beer ay nagtataglay ng mga bitamina na tumutulong para bigyan ng bagong buhay ang ating balat.
9. Para magamot ang stress.
• Ayon sa pag-aaral ang paginom ng beer ay nakakatulong maiwasan ang stress at sobrang pagkabahala maging sa trabaho o kahit saan.
10. Para sa ating Puso.
• Ang mga taong umiinom ng beer ay may maliit na tyansang magkaroon ng atake sa puso o kahit anung sakit na pwede dumapo sa ating puso kesa sa mga taong hindi umiinom ng beer.
Ngayon alam nyo na ang mga benepisyo ng beer sa ating katawan, tayo na at uminom ng beer. Paalala lang nakakasama parin ang sobrang paginom kaya uminom lang ng tama.
0 Mga Komento