Alam niyo ba na ang ginagawa at sinasabi niyo sa harap ng inyong mga anak ay mayroong malaking epekto sa mga bata. Maaari itong makaapekto sa kanilang paglaki lalong lalo na sa magiging ugali nila sa kanilang pagtanda.
Narito ang Limang Salita na Hindi Dapat Sinasabi sa Inyong mga Anak:
1. Tumigil ka ng kakaiyak! Ngayon na!
Dapat nyo malaman na ang inyong mga anak ay mayroon ding karapatan sa kanilang nararamdaman, mapabata o matanda ay may kanya kanyang emosyon at nararamdaman. Kaya imbes na sigawan at pagalitan mo sila, subukan nyo silang patahanin at kausapin ng maayos. Mas magugustuhan nila ito at ikakatuwa.
2. Huwag na Huwag niyong sasabihin ang salitang ” wala kang kwenta”.
Kung sinabi mo ito sa inyong anak o kaya sa ibang bata, ay maaring maramdaman nila na wala talaga silang kwenta at walan silang nagagawang maganda. Maiisip nila na wala silang naitutulong.
Kaya ang tamang gawin ay ituro sakanila kung paano gawin ng tama ang mga bagay bagay ng mahinahon at bigyan sila ng tiwala na kaya nila itong gawin.
3. Kung ang Bata ay Natatakiot, Huwag na huwag mong sasabihin na Mahina sila.
Kahit sino namang tao ay hindi matapang sa lahat ng bagay. Lahat tayo ay may kanya kanyang kinakakatakutan. Hindi dahil nahihirapan o natatakot sila sa mga bagay bagay ay ibig sabihin nito ay mahina na sila. Subukan niyo nalang silang inganyuhin na malagpasan ang kanilang kinakatakutan, ang pagturo at pagensayo sa kanila habang bata pa ay makakatulong sa kanilang tamang paglaki.
4. Huwag niyong ibaling ang galit nyo sa inyong anak.
Hindi dahil galit ka, ay may karapatan ka ng sabihin ang masasakit na salita katulad ng wala kang kwenta, hindi ka nakakatulong dito, at pabigat ka lang. Kahit na may mali silang nagawa, huwag na huwag mo bibitawan ang mga salitang ito.
Kung may mali silang nagawa, imbes na sigawan sila ay ang tamang gawin ay kausapin ito ng mahinahon at ituro ang tama at dapat nilang gawin sa susunod upang hindi na maulit ang maling ginawa nila.
5. Huwag na Huwag niyong sasabihin sa mga bata ang ” Hindi ka magaling! at “Hindi mo kaya”
Pinapahiwatig mo sa bata na hindi nila kaya ang isang bagay, at dahil dito mawawalan ng “confidence” ang bata, parati nito iisipin na hindi nya kaya , kaya hindi nalang niya ito gagawin. Matututunan nilang sumuko sa mga bagay- bagay.
Alam naman nating lahat na ang pagiging magulang ay hindi biro dahil nangangailangan ito ng mahabang pasensya , pagmamahal, at pagpupursige sa buhay. habang tumatagal sa pagiging magulang ay unti- unti na rin kayong masasanay sa pagpapalaki ng inyong mga anak at nagiging madali nalang ito sa inyo habang tumatagal.
0 Mga Komento