Napaka imporatante ang itsura ng tao lalo na kung ang pinaguusapan ay tungkol sa edad. May mga pag aaral ding isiginawa na ang pagtanda ng tao ay naka depende sa kapaligiran at hindi ito namamana. Sa katunayan, natuklasan na bente porsyento ang maaaring mamana ng pagkakaroon ng batang mukha na taglay ng pamilya.
Ayon din sa pag aaral na isiginawa ang edad ng tao ay hindi na aayon lamang sa edad, sapagkat may mga taong mukhang bata ngunit matanda na sa edad, at may mga tao ding mukhang matanda ngunit bata pa naman sa edad.
Sa panahon ngayon tunay ngang napaka swerte ang mga taong may taglay na batang mukha, na hindi mo masasabi ang katandaan nito. Sa isang banda, mainam na malaman ng tao at paghandaan ang mga sintomas at senyales ng pagtanda.
Narito ang mga palatandaan at mga sinyales ng mabilis na pag tanda ng tao:
1. Napaka tuyo at namamalat na balat.
Sa panahon ngayon, may mga mabilis na pagababago sa klima at teknolohiya. Maari din itong maka apekto sa mukha ng tao tulad ng init ng araw. Sa katunayan nga pagkatapos ng edad na 25 ay maari ng lumabas ang mga senyales ng katandaan, ngunit dahil sa klima maari itong lumabas ng mas maaga.Kapag ang balat ay napaka tuyo, may kulubot ito ay marahil sa pagkakaroon ng isyu sa endocrine system.
Ang hindi malusog na mga gawain din ay lubusang makaapekto sa balat. Ang pagtulog ng sobrang gabi o madaling araw, pagkaing mamantika at pagbilad ng matagal sa sikat ng araw ay tiyak na dahilan ng pagtanda ng mukha.
Paano ito maiiwasan:
Kumain ng gulay at prutas tulad ng berries, maberding dahon at mga mani.
2. Abnormalidad sa Buwanang Dalaw.
May mga pagkakataon na ang menstration ng isang babae ay hindi naayon sa nakatakdang araw. Ang pagkakaroon ng irregular na pagregla ay isang senyales ng maagang menopausal. Ito ay masasabing normal sa edad na 46-54. Ngunit kapag nagyrai ito sa edad na 40 ay masasabing premature na pagtanda ng internal organs.
Ang sintomas ng maagang pag menopause ay insomia, lagnat, chills, konbulsiyon at pagbabago ng emosyon at ugali.
Paano maiiwasan:
Bumisita sa doktor parati, para malaman ang mga problema sa katawan at magapan ito sa pmamagitan ng pag inom ng gamot
3. Kulubot sa mata.
Ang balat sa mata ay napaka nipis, madalas din itong unang naapektuhan ng pagkakaroon ng maagang pagtanda. Dahil sa kakulangan sa pagtulog, stress, mapanganib na Uv rays, at labis na kapaguran ay labis na nakaka apekto sa eyelids at mag mukhang matanda ito.
Paaano maiiwasan:
Magkaroon ng tamang pagtulog, umiwas sa maalat na pagkain, uminom ng maraming tubig, at alagaan ang balat na nakapalibot sa mata.
4. Panghihina ng katawan.
Pagkatapos ng edad na 40 ang mga muscle sa katawan at tiyak na ninipis at manghihina. Ito ay natural na proseso ng katawan.
Maaring mahihirapan sa pag akyat ng hagdanan, paglalakad at pag gawa ng araw-araw na gawain ang taong may edad na. Ngunit hindi din naman ito dahil sa kakulangan ng ehersisyo ng katawan kundi maari ding pagkakaroon ng mahinang katawan kumpara sa aktuwal na edad ng tao.
Paano maiiwasan:
Ang pag pili ng akibidad tulad ng yoga, pagsayaw, pag lakad at pag bisekleta ay makakatulong upang maiwasan ang panghihina ng katawan.
5. Pagkaubos ng buhok.
Maaring karaniwan itong makikita sa mga kalalakihan. Ang pagkakaroon ng paglagas ng buhok ng 50 hanggang 125 kada araw ay isang natural na pagkakataon sa tao. Ngunit ang pagkaubos ng buhok lalo na sa bandang gitna at pag pansin sa dami ng nabunot na buhok ng suklay ay hindi na normal o tama.
Maari itoy dahil sa hormones na nagbago sa katawan. Kadalasan din itong nagyayari sa mga may stress at gamot na iniinom. Dahil dito ang pag bisita sa doktor ay importante.
Paano maiiwasan:
Pumili ng tamang produkto na naayon sa balat ng katawan at pagkain na mayaman sa omega-3 fatty acids, proteksiyonan din ang buhok laban sa sinag ng araw.
6. Hirap sa pagtulog
Dahil naman ito sa hormones na nagbabago sa katawan. Maaring maranasan ito ng mga taong may edad na 60 pataas. Dahil ito sa mataas na cortisol level na nagdudulot ng pagakabalisa tuwing matutulog.
Paano maiiwasan:
Maiiwasan ito sa pamamagitan ng yoga, pag swimming at pag babasa upang maiwasan ang stress sa katawan at magkaroon ng tahimik na isipan nag nagdudulot ng kaayusan sa pagtulog.
0 Mga Komento