Lingid sa inyong kaalaman na ang guyabano ay masustansya at pwede maging herbal na gamot sa ilang sakit. Ang dahon ng guyabano ay nagtataglay din ng bitamina C, bitamina B, thiamin, calcium, fiber, riboflavin, iron, zinc at marami pang iba.
Narito at Alamin ninyo ang mga magandang benepisyo ng dahon ng guyabano:
1. Nagagamot nito ang UTI .
Ang UTI o Urinary tract infection ay kilalang sakit na dulot ng mga mikrobyo. Mararanasan niyo ang sakit o hapdi habang umiihi, mayroon ring mabahong amoy ang inyong mga ari, makakaranas din ng pagsakit ng balakang ang mga kababaihan, at sa mga lalake naman ay maaaring makaranas ng pagsakit ng tumbong ng mga kalalakihan. Kung nararanasan niyo ang mga nabanggit na sinyales ay maaaring mayroon kayong UTI.
Sa pamamagitan ng dahon ng Guyabano ay malulunasan itong sakit na UTI dahil sa mayroon itong taglay na panlaban sa mga mikrobyo at Bitamina C upang labanan ang impeksiyon.
2. Pinapababa nito ang lebel ng sugar sa ating dugo upang makaiwas sa High Blood Pressure.
Upang mapanatili ang lebel ng sugar sa ating katawan, makabubuti kung uminom ng tea na gawa sa dahon ng guyabano araw- araw. Sa pamamagitan nito, makokontrol ang inyong blood sugar o dami ng sugar sa inyong dugo..
3. Nakakatulog ito sa pagbawas ng timbang at pagpayat.
Ang guyabano tea ay isang mabisang inumin na nakakatulong sa pagpayat. Pinapabilis nito ang ating metabolismo upang hindi tayo agarang magutom. Ang inuming ito naglalaman ng mineral na siyang nag-aalis ng mga sobrang taba at kolesterol sa ating katawan.
4. Gamot ito sa Diabetes.
Ang sakit na diabetes ay ang pagkakaroon ng sobrang “sugar” o “glucose” sa ating dugo. Ang sugar ay nagsisilbing kuhanan ng enerhiya ng ating katawan, kaya naman napaka importante na balanse at kontrolado ito. At isa sa mainam nga nagkokontrol ng ating blod sugar ay ang dahon ng guyabano.
Paano gumawa ng inumin ng gawa sa dahon guyabano? Sundin lang dito ang mga sumusunod.
Mga kailangang sangkap:
1. Tuyong dahon ng guyabano
2. Tubig
3. Asukal o Honey (pulot)
Paraan ng Paggawa:
1. Pakuluaan ang tubig.
2. Ilagay at ihalo ang tuyong dahon sa kumukulong tubig.
3. Hinaan ang apoy at takpan ito sa loob ng 10- 15 minuto.
4. Pagkatapos ay ibuhos ito sa baso at hayaang lumamig at inumin.
4. Maaari rin itong lagyan ng isang kutsara ng asukal o honey kung gugustuhin niyong may kaunting lasa.
Iba pang Benepisyo ng Dahon ng Guyabano:
1. Pagpapalakas ng “Immune System”.
2. Pag-iwas sa impeksyon habang buntis.
3. Panlaban sa sakit na Anemia.
4.Pinapalakas nito ang gatas sa suso.
0 Mga Komento