Ang mushroom o kabute ay madalas nakikita sa masasarap na hinahain sa mga kilalang restaurants. Ito ay mababa sa kolesterol at mataas naman ang bitamina at mineral na taglay nito.
Ito ay karaniwang inaani sa ibabaw man o ilalim ng lupa. Ito ay ginagamit sa mga pagkain dahil sa pagiging masustansya nito. Ngunit mayroon rin mga nakakalasong kabute na maaaring magdala ng mapanganib na sitwasyon sa iyong kalusugan.
Ang kabute ay kadalasang ginagamit dahil sa sustansya at sa kakayanan nitong makagamot. Ito ay mabibili sa mga palengke o supermarkets. Bagamat hindi nakakalason, ang mga kabute na ating nabibili ay maaari ring magdala ng allergic reaction sa mga taong allergic sa fungi dahil ditto ito nabibilang. Ang mga taong ito ay dapat gumamit agad ng gamut panlaban sa allergy o di kaya’y iwasan na ang pagkain ng kabute sa hinaharap.
Narito ang sampung masasamang epekto ng kabute:
1. Pagkapagod.
May mga ilan na maaaring makaramdam ng pagkapagod pagkatapos kumain ng kabute. Maaaring di rin sila mapalagay o mawala ang kanilang enerhiya. Ang side effect na ito ay pangkaraniwan sa maraming tao. Maaari ring maging dahilan ito para sa iba upang di na gawin ang kanilang mga nakasanayan sa loob ng isang araw.
2. Pagsakit ng Tiyan.
Ang ilan sa mga side effect ng kabute ay maaari ring magdulot ng pagsakit ng tiyan. Sa ibang tao nagreresulta pa ito sa pagtatae or diarrhea. Ang ilan pa sa mga masamang epekto nito sa tiyan ay ang pagresulta sa pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng kalamnan.
3. Pagkawala ng Ulirat.
Maaari ring makaranas ng kakaibang mga guni-guni ang ilan. Ito ay nangyayari tuwing ang isang tao ay nawawala sa kanyang ulirat. Nababago ng kabute ang persepsyon ng katotohanan kumpara sa imahinasyon. Ito ay kahalintulad ng nararanasan kapag kumonsumo ng LSD drugs. Maaari itong mangyari 20 minuto pagkatapos kainin ang kabute.
4. Skin Allergies.
Kilala ang kabute bilang nagpapalakas ng ating immune system. Pero sa ilan, nagdudulot ito ng pantal sa balat at pagkairita. Mayroon ding nakakaranas ng pagdugo ng ilong, tuyong ilong at lalamunan at iba pa kapag naparami ang kinaing kabute.
5. Biglaang Pagsaya.
Pagkatapos ng 20 -30 minuto na kinonsumo ang kabute, ang ilang tao ay nakakaranas ng biglaang pagsaya. Kalakip ng nararanasang ito, nararamdaman din nila ang para bang kiliti sa kanilang katawan. Pagkatapos ng ilang minute, sila naman ay biglang nalulungkot.
6. Iwasan tuwing nagbubuntis.
Ang ilang mga doctor ay iminumungkahi na iwasan ang kabute tuwing nagbubuntis at nagpapasuso ng bata. Bagamat wala pang insidenta na naireport sa masamang dulot nito, mas mabuti na ang sigurado para sa kalusugan ng bata.
7. Sakit ng ulo.
May ilang mga gamot na nagdudulot ng sakit ng ulo bilang side effect, na agarang nawawala rin naman. Ngunit, may mga taong nakakaranas ng parehong sakit ng ulo na tumatagal ng buong araw pagkatapos kumain ng kabute.
8. Pagkabalisa.
Nagdudulot ng pagkabalisa ang kabute sa ilang mga tao, na maaaring maging tumindi sa pagtagal ng ilang minute pagkatapos kainin ang kabute lalo na kapag maraming kabute ang kinonsumo.
9. Sakit sa Pag-iisip.
Ang sakit sap pag-iisip ang pinaka seryosong side effect ng pagkaon ng kabute. Ang mga mental disorder tulad ng matinding pagkatakot at panic attack ay maaaring maranasan pagkatapos kumain ng kabute.
10. Pagkahilo.
May mga reklamo rin ng matinding pagkahilo sa mga kumain ng kabute mga ilang oras pagkatapos itong kainin. Maaaring magdulot rin ang kabute ng pagkalito sa mga kumain ng maramihan.
0 Mga Komento