Sa panahon ngayon ang telebisyon ay isa sa pinaka importanteng gamit ng tao. Isa itong uri ng bagay kung saan napagkukunan ng ibat-ibang uri ng impormasyon tungkol sa kalusugan, kapaligiran at napapanahong pangyayari. Ang panunuod ng telebisyon ay isa ding uri ng pamapalipas oras, libangan o paraan para aliwin ang tao.
Ngunit sa kabila nito may negatibong epekto din ito sa kalusugan. Narito ang ibat-ibang uri ng negatibong epekto sa kalusugan dahil sa panunuod ng telebisyon:
1. Malaking tiyansa upang magkaroon ng mga Cardiovascular Diseases.
Ayon sa pag aaral ang panunuod ng tv ng isang oras ay may 18{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} tyansa na magkaroon ng sakit sa puso. Kapag ang tao ay walang exercise at nanunuod lamang ng tv ay parang mailalarawan na paunti-unting pagkakaroon ng lason sa katawan.
2. Hirap sa pag tulog.
Ang panunuod ng sobra ng telebisyon ay may malaking epekto sa pagkakaroon ng quality sleep sa gabi. Ang ilaw ng tv set ay nag sti-stimulate ng utak at nagpapabawas ng produksiyon ng melatonin (body clock sa pampatulog ).
3. Malaking tiyansang magkaroon ng diabetes.
Ayon sa mga pag-aaral ang panunuod ng tv ay may malaking tiyansa na magkaroon ng type 2 diabetes. Ang panunuod ng subra ng tv o kada 2 oras ay napapag alamang may 14{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} tiyanasang magkaroon ng diabetes.
4. Tiyansang maging obese.
Puweding maging obese ang bata at matanda kapag nanunuod ng tv. Dahil ang pag upo ng ilang oras sa panunuod ng tv ay nagpapabagal ng metabolic rate ng katawan.
5. Nagpapababa ng self- esteem.
Ang panunuod ng tv ay nagpapa exposed ng 15 minutes na komersiyal o patalastas. Kung saan gumagamit ang mga ito ng magaganda at guwapong modelo na siyang naglalarawan ng perpektong tao na dapat gayahin. Sa ganitong paraan ang taong nanunuod ng komersiyal ay bumababa ang self esteem at na prepressure ang sarili sa pag gaya ng mga modelong ginagamit sa tv.
6. Hindi maganda sa mga bata.
Napag alaman na ang panunuod ng tv sa mga batang mas bata pa sa dalawang taon ay hindi nakakabuti. Sa edad na ito higit na nakaktulong sa mga bata ang pagkakaroon ng aktuwal na interaksiyon sa tao kaysa sa panunuod ng screen. Sinasabi din sa pag aaral na mas makakatulong kung ang mga bata ay may limitadong 2 oras pababa lamang na panunuod ng tv. Ito din ay masama sapagkat na eexposed ang mga bata sa mga bayolenting palabas.
7. Masama sa mata.
Hindi nakakabuti sa mata kapag nanunuod ng tv sa madilim na lugar sa mahabang panahon. Masama din sa mata ang pagbabad sa panunuod ng tv.
8. Nakakabawas ng iteraksiyon sa mga tao.
Ang sobrang pagnuod ng tv kada araw ay nakakaligtaan ang masiyang oras sa mga tao. Di hamak na mas maganda at mas masaya kung ang mga taong sa paligid ay kasama. Higit na nakadaragdag ito ng masayang oras, usapan at karanasan sa buhay. Ang mga alala ay higit na walang katumbas na dadalhing ng isang tao hanggang sa pag tanda.
0 Mga Komento