Karamihan sa atin ay sinisimulan ang ating mga araw sa pagsisipilyo, at halos lahat ay may brand na syang ginagamit, wala nang iba. Ang ilan ay mas gusto yaong mga plain na toothpaste, ang iba naman ay gusto ng mint-flavored o di kaya’y bubblegum-flavored.
Napakaraming maaaring piliin. Ngunit ang tanong, safe nga ba ang toothpaste na ginagamit mo? Magugulat ka kung iyong malalaman na karamihan sa mga toothpaste na nabibili sa tindahan ay mayroon mga sangkap na nakakasama sa ngipin.
Ang ilan sa mga toxic na sangkap ng commercial toothpastes ay triclosan, sodium lauryl sulfate, propylene glycol, microbeads at diethanolamine. Ang commercial toothpaste rin ay mayroon artipsiyal na pampatamis, ito ay ang aspartame.
Paano nga ba papanatilihin ligtas ang mga ngipin kung ang nabibili nating mga toothpaste ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga ito? Ang malusog na diet at oil pulling ay ilan lamang sa maaaring subukan. At para naman sa toothpaste, maaari kang gumawa sa iyong tahanan. Ito ay simple lamang at mura pa, makasisigurado ka pang ligtas ang mga sangkap nito.
Isang mainam na halimbawa ang paggawa ng natural na pampaputi ng ngipin gamit lamang ang tatlong sangkap: activated charcoal, virgin coconut oil, at pinulbos na eggshell powder. Ang homemade na toothpaste na ito ay mas banayad kumpara sa commercial toothpaste na pampaputi at hindi ipapahamak ang iyong ngipin at gilagid.
Paano gumawa ng Activated Charcoal Toothpaste na Pampaputi ng Ngipin?
Mga Kailangan:
Activated Charcoal – ½ kutsarita
Pulbos mula sa Shell ng Itlog – 1 Kutsara
Virgin Coconut Oil – 1 Kutsara
Mga Pamamaraan:
1. Ilagay ang ½ kutsaritang activated charcoal sa isang bowl.
2. Idagdag ang 1 kutsarang eggshell powder.
3. Idagdag ang 1 kutsarang virgin coconut oil
4. Haluin gamit ang kahoy na syansi.
5. Ito ay handa nang gamitin at maaari nang ilipat sa airtight na lalagyan.
Paano gamiting ang activated charcoal toothpaste?
1. Maglagay ng maliit na bahagi ng homemade toothpaste sa iyong sipilyo gamit ang kahoy na syansi.
2. Gamitin ito katulad ng pangkaraniwang pagsisipilyo.
3. Kapag tapos na magsipilyo, banlawan ang bibig sa pamamagitan ng pagmumog ng maligamgam na tubig.
4. Maaari mong gamitin ito tatlong beses sa isang araw.
0 Mga Komento