Ang pangunahing tungkulin ng baga ay ang pagkuha ng oxygen sa ating “pag-inhale”, at pagbuga ng carbon dioxide sa ating “pag-exhale”. Dahil hindi nagpapahinga ang baga, Kailangan natin itong panatilihing malusog.
Ang regular paglinis ng ng baga ay malaking tulong. Ang paglinis ng baga ay nakatutulong sa pagdetoxify at paglinis ng sensitibong respiratory linings ng bronchial passages at baga. Madalas kasi itong nagtataglay ng naipong toxin galing sa labas at iba pang irritants.
Ang mga sumusunod ay ang 10 pinakamainam na paraan upang linisin ang baga:
1. Malalim na Paghinga.
Humiga sa isang kumportableng lugar, ilagay ang kamay sa iyong tiyan sa may ilalim ng rib cage. Ipikit ang iyong mga mata at huminga ng malalim gamit ang ilong habang nagbibilang hanggang 5. Pigilan ang hinga sa loob ng 2 segundo, at dahan-dahang ibuga ang hangin.
Ulitin ito ng sampung beses na tuloy-tuloy.
2. Castor Oil Pack.
Magbabad ng 2 o 3 piraso ng wool flannel sa 1 tasang maligamgam na castor oil.
Hmiga sa isang plastic sheet.
Ilagay ang nababad na wool flannels sa ibabaw ng dibdib at sa gilid nito upang mabalot ang bahagi ng baga. Balutin ang flannels gamit ang isang malaking plastic sheet.
Maglagay ng heating pad sa plastic sheet sa loob ng 1 hanggang 2 oras.
Ulitin ito 2 beses sa isang linggo.
3. Oregano.
Uminom ng 2 tasa ng oregano tea araw-araw kung ikaw ay mayroong asthma o di kaya’y respiratory problems.
Pwede ring gumawa ng tsaa gamit ang pagpapakulo ng tuyong oregano sa mainit na tubig sa loob ng 5 minuto.
Upang madetoxify ang lungs, maglagay ng ilang patak ng oregano oil sa isang basong maligamgam na gatas o tsaa at inumin ito isang beses sa isang araw.
4. Licorice.
Uminom lamang ng 2 hanggang 3 tasa ng licorice root tea sa loob ng isang linggo kung ikaw ay mayroong respiratory o lung problem.
Upang gumawa nito, maglagay ng 1 kutsaritang licorice pwder sa isang tasang mainit na tubig. Hayaan sa loob ng 10 minuto bago inumin.
Pwede rin naming maghalo ng ½ kutsarita ng licorice powder at kaunting pulot bago inumin dalawang beses sa isang araw.
5. Luya.
Uminom lamang ng 2 hanggang 3 tasa ng ginger tea o salabat araw-araw upang magkaroon ng malakas na baga.
Upang makagawa ng tsaa, magpakulo lamang ng 1 kutsaritanf hiniwa at ginadgad na luya sa 1 hanggang 1½ tasa ng tubig.
Hayaang kumulo sa loob ng 5 hanggang 10 minuto. Salain ito at magdagdag ng kaunting lemon juice at pulot upang magkalasa.
6. Peppermint.
Para magkaroon ng matibay na baga, ngumuya lamang ng 3 hanggang 5 dahon ng peppermint araw-araw.
Upang mabigyang lunas naman ang pagbara ng daluyan ng hangin, maaaring maglagay ng ilang patak ng peppermint oil sa mainit na tubig at langhapin ang usok.
Pwede ring uminom ng 2 tasa ng peppermint tea araw-araw.
Upang gumawa ng tsaa, maglagay lamang ng isang kutsaritang tuyong peppermint leaves sa isang tasang mainit na tubig.
7. Eucalyptus Essential Oil.
Maglagay lamang ng 5 hanggang 10 patak ng eucalyptus essential oil sa mainit na tubig.
Baluting ang ulo gamit ang tuwalya at ilapit ang mukha sa kawali upang malanghap ang singaw nito. Gawin ito sa loob ng 5 hanggang 10 minuto sa isang araw upang malinis ang baga at mawala ang pagkabara.
8. Lobelia.
Maglagay ng 5 hanggang 10 dahon ng lobelia sa kumukulong tubig.
Takpan at hayaan sa loob ng 5 minuto saka langhapin ang usok at singaw nito.
Gawin ito sa loob ng 10 minuto bawat umaga at gabi upang malinis ang baga.
Pwede mo rin itong gawing tsaa.
9. Pagpapaganda sa kalidad ng hangin.
Siguraduhing regular ang paglilinis sa bahay; kabilang na dito ang pagmop ng sahig at pagtanggal ng alikabok.
Iwasan ang pag gamit ng mga spray na mayroong malakas na amoy.
Piliin ang non-toxic na panlinis.
Siguraduhing mayroong magandang bentilasyon ang pamamahay.
At ang pinakaimportante, siguraduhing walang nagyoyosi sa loob ng bahay.
10. Mga pagkaing nakalilinis ng baga.
Ang pagkaing ating kinokonsumo ay nakakaapekto sa ating mga baga.
Simulan na ang pagkain ng mga makabubuti sa kalusugan ng baga, katulad na lamang ng mga matataas ang taglay na Vitamin C.
Kabilang na dito ang grapefruit, kiwi, bell pepper, orange, kamatis, at pinya.
Kumain rin ng mga mayayaman sa antioxidants katulad ng bawang, sibuyas, luya, oregano, luyang dilaw, mansanas, at green tea.
0 Mga Komento