Alam nyo ba na ang karot ay maraming dalang nutrients sa ating katawan kapag itoy ating kinain hilaw man o luto?. Alam nyo din ba na bukod sa kulay orange o kulay kahil ay may iba pa itong kulay?, tulad ng dilaw, puti, pula at purple. Narito at ating alamin ang mga benepisyo ng karot at ng katas nito sa ating katawan.
Narito ang mga Magandang Benepisyo ng Katas ng Karots:
1. Nakabubuti para sa ating Utak.
Ang katas ng karot ay nakakatulong para mapanatili ang ating pang-malay o ang cognitive function. Ang antioxidants na nakukuha sa karots ay lumalaban at nagproprotekta sa ating utak sa anu mang sakit na pwede dumapo dito tulad ng sakit na Alzheimer’s.
Ang Alzheimer ay isang uri ng sakit na nakamamatay, ito’s sumisira sa utak na siyang dahilan ng pagkawala ng memorya ng isang tao. Ang karot din ay nakakatulong paunlarin ang alaala at ang kabuoang kalusugan ng utak natin.
2. Nakabubuti para sa ating Balat.
Ang katas ng karot ay nakakatulong mapanatili ang ganda ang lusog ng ating balat at nakakatulong din sa mabilisang paggaling ng mga sugat. Meron din itong antioxidants na nagpapagaling sa mga pamamaga at impeksyon sa ating balat.
3. Proteksyon laban sa sakit na Kanser.
Ang Caratenoids na nakukuha sa karots ay nakakatulong para maiwasan, protektahan at labanan ang kanser na pwedeng dumapo sa ating katawan tulad ng kanser sa suso at kanser sa obaryo o bahay-bata. Ang katas din nito ay nakakatulong gamotin ang mga pamamaga at mabawasan ang lebel ng oxidative stress na syang propoprotekta sa ating katawan laban sa kanser.
4. Nakabubuti para sa ating Mata.
Ang Karots ay nagtataglay ng mga nutrients tulad ng lutein, beta-carotene at zeaxanthin na nakakatulong sa kalusugan ng ating mga mata. Ang Beta-Carotene ay isang uri ng bitamina A na nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng Mascular Degeneration o isang uri ng sakit sa mata na kung saan ang gitnang bahagi ng retina sa mata ang nasisira dahilan para magkaroon tayo ng problema sa ating paningin.
Ang katas din ng karot ay nakakatulong para maiwasan ang pagkahina ng paningin at pagkakaroon ng katarata ng ating mata.
Ang katas din ng karot ay nakakatulong para maiwasan ang pagkahina ng paningin at pagkakaroon ng katarata ng ating mata.
5. Nakabubuti para sa ating mga Ngipin.
Ang katas ng karot ay nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng cavities sa ngipin at pagkasira nito. Mayroon itong nutrients na nagpapatibay ng ating immune system para labanan ang mga bakterya at toxins o lason sa gilagid at ating ngipin.
6. Nagbibigay ng Antioxidants.
Ang katas ng Karot ay nagtataglay ng Carotenoids na isa sa pinakamabisang antioxidants na tumutulong maiwasan o gamoting ang ano mang impeksyon at sakit sa ating katawan. Ito din ay nakakatulong gamoting ang mga pamamaga at depensahan ang ating katawan sa mga sira dulot ng free radicals.
7. Nakabubuti sa ating Puso.
Ang katas ng karots ay nakakatulong para depensahan at maiwasan ang stroke at sakit sa puso. Nakakatulong din ito mapababa ang bilang ng kolesterol sa ating katawan.
0 Mga Komento