Kung ikaw ay naghahanap ng mahimbing na tulog na di nangangailangan ng melatonin ang pagbibilang ng 100 na tupa at paghawak sa iyong cellphone isang oras bago matulog ay maaari ring makatulong sa inyong pagtulog. Ngunit ang puting kobre kama ba ay nakatutulong rin?
Ayon sa sleep expert at dentistang si Dr. Sabrina Magid-Katz. Sa ngayon ay wala pang pagaaaral na nagpapatunay na ang kalidad at haba ng tulog ay naaapketuhan ng kulay ng kobra kama. Pero pinaliwanag nya na mayroon itong epekto sa ating memorya; tayo ay nakakaalala ng tulog sa hotel, o pakiramdam ng kalinisan sa pagkat ang puting kobre kama ay mas nakakaingganyong tulugan dahil sa Itsura nito na mukhang malinis.
Sinabi rin nya na “Kahit anong bagay na nakakatulong sayo sa pagrelax ay maaaring makatulong sa iyong pagtulog.” “Kung ang puting kobre kama ay nakapagdadala sa iyo ng alaala sa paborito mong hotel – dahil na rin sa halos lahat ng hotel ay mayroong puting kobre kama ito ay tinutulungan ka na marelax at makatulog ng maayos”
Siguraduhin lamang na huwag gamitin ang taktikang ito upang gamutin ang mga seryosong karamdaman katulad ng insomnia. Dagdag pa ni Doc “Kung hindi kaya ng kobre kama na resulbahin ang iyong problema sa pagtulog, lumapit na sa doctor dahil maaaring mayroon ka nang sleep disorder katulad ng sleep apnea.”
Gumaganda ba ng ang ating kutis at balat dahil sa puting kobre kama?
May mga ilan na naniniwala na ang pagpili ng puting kobre kama ay mas nakabubuti sa balat, na nilalabanan nito ang tighiyawat at pagbara ng mga pores. Ayon sa dermatologists, na mas kilala ang ating balat kesa sa atin , ang puting kobre kama ay hindi basta basta nakapagpapaganda ng balat dahil lang natutulog tayo sa mga ito. Ngunit ito ay nagdadala ng mas mainam na gawi sa ating mukha, lalo na ang pagtulog sa malinis na kobre kama.
Ayon sa board-certified dermatologist at president ng Livad Skin Care na si Dr. Janet Prytowsky, ang kobre kama na nagpapakita ng dumi ay naghihikayat ng mas magandang gawi sa paglilinis at paglalaba. Ito mismo ay maaaring magdulot ng hindi pagoil sa gabi at mas magkaroon ng malalim na tulog.
“Ang purong puti na kobre kama ay repleksyon ng kalinisan mo sa kama” ika nya. “ Tutulungan nito na maging tapat ka sa mga nakagawian, katulad na lamang ng pagtulog ng may make-up, pagkain sa kama, di pagpalit ng pantulog o hindi paglalaba ng kobre kama. Ang pagbili ng puting kobre kama ay magtutulak sa iyong pangangailangan na ayusin ang iyong hygiene. Kapag naayos ito, tiyak na may malaking pagbabago sa balat at sa buhok.”
Kung ikaw naman ay mayroong sensitibong balat, ang iyong pimple breakout ay maaaring napapalala ng tina sa kobre kama. Ayon sa plastic surgeon na si Dr. Scott Newman, mas napapababa ng hypoallergenic na puting kobre kama ang paglala ng mga ito.
0 Mga Komento