Ang pagmamahal ay walang panukat, ngunit natural sa isang tao na maghanap nito. Ang bawa’t tao ay may kanya kanyang paraan upang ipakita kung gaano nila kamahal ang mga kasintahan nila, ngunit marami bang kahulugan at paraan ang pagmamahal? Ayon sa isang manunulat at clinical psychologist na si Barbara Greenberg, maraming depenisyon ang pagmamahal.
Mas madaling maipakita na mahal mo ang isang tao kung patuloy kayong malapit sa isa’t isa ngunit ang di alam ng iba ay marami pang paraang upang maipakita at maparamdam ang iyong pagmamahal.
1. Pag trato mo sa kanya nang may respeto.
Ang pagbibigay ng sapat na oras upang para sa saliri ng iyong partner ay isang senyales na may malaking respeto ka sa kanya. Mahalaga na huwag mo siyang madalas kulitin kung nasaan man siya. Ang mga oras na hindi kayo magkasama ay maaari ring makadagdag sa pagmamahalan ninyo dahil mas nagiging mahalaga ang oras ninyo na magkasama kayo.
2. Pagbibigay ng panahon na magkasama kayo.
Kung mahalaga na bigyan mo ang iyong partner para sa sarili niya, mahalaga rin na bigyan mo ng oras na makasama ang iyong iniibig. Ito ang nagbibigay alam sa iyong kasintahan na mahalaga pa din sya sa buhay mo kahit na sobrang busy ng schedule mo. Maari samahan mo siya habang pupunta sa kanyang pupuntahan o makipagdate sa kanya.
3. Sorpresahin siya.
Maliit man o malaki na sorpresa i ipaplano mo, tiyak na hinding hindi ito makakalimutan ng kasintahan mo. Tiyakin lamang na ito’y magugustuhan niya. Maaari mo siyang regaluhan ng paborito niyang aso, dalhan ng bulaklak sa trabaho, gawan ng video slideshow o kung ano pa man, napakalaking epekto nito sa inyong relasyon.
4. Maging mapagpatawad.
Tao lamang ang kasintahan mo at tiyak na magkakamali at magkakamali ito. Maging mapagpatawad, at kung nakikitaan mo naman ito ng mga dahilan na tunay na pinagsisisihan niya ang pagkakamali niya, patawarin mo. Ito ay senyales na tunay na mahal mo siya, at lalong magpapatibay sa inyong relasyon.
5. Paguusap.
May mga magkasintahan na onti-onting napopokus sa trabaho kaysa sa relasyon nila, mas mainam na magplano ng oras na makapagusap kayong dalawa upang mas lalong lumalim ang inyong relasyon. Ang bawat problema ay napaguusapan kaya naman huwag pairalin ang init ng ulo.
6. Tumulong.
Suportahan ang inyong partner sa tatahakin niya sa kanyang buhay. Kahit ano man ang mangyari, tiyakin na hindi mo ito pababayaan at tumulong sa bawat oras na kailangan ka nito.
7. Landiin ang inyong kasintahan.
Maaaring magpainit at bumuhay sa inyong relasyon kung lalagyan ito ng kaunting landian at sexy time. Ayon sa isang adbaysor na si Sari Cooper, lahat ng tao ay gustong landiin. Bigyan ng oras ang para sa inyo dalawa.
8. Magdate.
Pagplanuhan ng mabuti saan kayo parehong matutuwa at mageenjoy. Importante na maglaan ng oras at panahon sa kasintahan.
9. Hawakan ang kanyang kamay.
Ito ay mahalaga dahil ang koneksyon ninyong dalawa ay mas lalong lumalalim tuwing kayo ay magkahawak kamay. Ito ay nagpapakita ng ownership na siya ay sayo at nagpapakita na proud ka sa kasintahan mo.
10. Maging malambing.
Ayon sa isang propesor na si Terri Orbuch, mas maganda na laging pasalamatan ang bawat mabubuti na ginagawa ng inyong kasintahan dahil magiging masaya ang isang relasyon kung napapansin nito ang efforts mo. Tiyakin na mabigyan ng oras upang malambing mo ang iyong kasintahan.
Hindi naman sapat ang koneksyong sekswal sa isang relsyon, kailangan ay may akmang oras para sa isat isa upang mas lalo ninyong mapagtibay ang inyong relasyon.
0 Mga Komento