Ang kamatayan ay isangg pangyayari na alam natin magiging katapusan ng ating buhay at ito ay kailangan nating tanggapin. Ang madalas sanhi nito ay ang pagkakaroon ng sakit, pagtanda o di kaya ay aksidente na sa bandang huli ay pareho lang din naman ang kahahantungan, ang kamatayan.
Ang kamatayan ayon sa pag-aaral ay may mga sintomas na madalas ay nararamdaman ng ilan sa atin. Kung nais nyong malaman ang mga sintomas ng kamatayan halika at ating alamin.
Narito ang mga sintomas ng kamatayan:
1.Ang Death Rattle o ang pagkakaroon ng problema sa paglunok.
Ang ating dila ay umaangat sa taas na bahagi ng bibig na para tulakin ang mga laway, inumin o pagkaen sa loob. Kapag ikaw ay nasa bingit na ng kamatayan ang iyong dila ay nahihirapan ng itulak ang mga pagkain at laway paloob dahilan para ang laway ay pumunta sa ating baga at ito na ang death rattle.
2. Ang Terminal Agitation.
Ito ay ang pagtanggap mo sa mga mangyayari o sa kahahantungan ng iyong buhay, hindi ito madali lalo na kung alam mong malapit ka ng mawala sa mundong ibabaw. May mga taong tanggap na ito dahil pakiramdam nila nagawa o natapos na nila lahat ng mga misyon nila na dapat gawin.
Ngunit may iba na mamamatay nalang nga hindi parin nila matanggap na sila ay lilisan sa mundong kanilang ginagalawan at ito ang tinatawag na terminal Agittion.
3. Ang Air Hunger o ang problema sa paghinga na parang hinihika.
Ayon sa hakahaka ang air hunger ay nangyayari dahil sa hindi pagkakaintindihan sa kung anung gusto ng ating utak at ang kakayanan ng ating baga na magpasok o maglabas ng hangin.
Ilan lang ito sa mga sintomas ng kamatayan na dapat nating bigyan ng pansin. May mga paraan din para madali mong matanggap na ang kamatayan mo ay nalalapit na narito ang ilan sa mga paraan.
4. Dapat lagi mong isipin na ang kamatayan ay parte at kahahantungan ngating buhay.
Madalas man na wala ito sa ating plano pero lagi nating tatandaan na dadating at dadating din talaga ito sa atin. Mas madaling maiintindihan ito ng mga taong nakapaligid sayo kung ikaw mismo ay tatanggapin ang mangyayari sayo.
Kung alam mo ng malapit ka ng mamatay, ilaan mo nalang ang mga nalalabi mo pang oras o panahon sa iyong pamilya at mga minamahal kaysa sasayangin mo ito sa pagiisip ng sobra at pagmumukmok sa tabi.
5. Sabihin mo sa taong pinakaimportante ang pinakaimportante bagay sayo.
Madalas ang mga taong takot mamatay ay sila yung mga taong may nais pang sabihin o ihabilin sa kanilang mga minamahal. Kung sa tingin mk ay hindi mo iyon kayang gawin, subukan mo nalang sabihin sa lahat ng taong malapit sa iyo ang mga bagay bagay na gusto nilang malaman para hindi ka magsisi sa bandang huli at lilisanin mo ang mundo na mapayapa ang iyong puso at isip.
0 Mga Komento