Sinasabing ang talento ay biyaya ng Diyos ngunit ang ugali ay nakukuha sa mga taong nakakahalubilo mo. Importante na malaman mo kung ano ang iyong paguugali, dahil madalas ay hindi natin ito napapansin na ginagawa natin araw araw. Sa katunayan, may mga ugali tayo na negatibo na hindi natin nalalaman hanggat hindi sinasabi ng ibang tao.
Hindi nating maiiwasan masaktan sa mga masasakit at masasamang nangyari sa ating buhay, ngunit hindi magandang patuloy tayo mamuhay sa nakaraan. Kung patuloy nating iisipin ang nakaraan at magkikimkim ng galit sa ating puso, mahihirapan tayong mamuhay ng payapa.
Ito ang mga taong tinatawag na, “bitter” at hindi magandang manatili tayo sa paligid nila dahil maaari nating makuha ang mga paguugali nila nang hindi natin napapansin, kaya naman mas mainam na alamin ang iba’t ibang ugali nang isang “bitter”.
Limang paguugali ng ng tao na dapat mong iwasan:
1. Mahilig Magtanim ng Galit.
Kung ang iyong kaibigan ay madalas mong napapansin na mahilig magtanim ng galit galing sa masamang nasabi o nangyari sa kanila, mas maganda na huwag na itong patulan dahil ito ay asal bata na hindi maganda. Kung nasalitaan ka ng masama, maging maingat sa pagsabi na huwag kang tratuhin na ganoon. Mas mainam na punahin agad ang kausap at huwag hayaan na gawin ito muli sa iyo.
2. Negatibo ang pagiisip sa mga bagay-bagay.
Madalas bang negatibo ang kaibigan mo? Tuwing nagpaplano ba ang barkada ay madalas niyang pinangungunahan na hindi ito matutuloy? Ito ay senyales na negatibo siya. Maaaring hindi niya nakalimutan ang nakaraan niyong lakad na hindi natuloy at naniniwala siya hindi na naman matutuloy ay bago ninyong plano.
Iwasan ang magkaroon ng ganitong pagu-ugali dahil ito ay naglilimita sa mga iba’t ibang pagkakatoon na maaring mangyari. Hindi sa lahat ng bagay ay negatibo ang mangyayari dahil mas malaki ang posibilidad na may magandang idudulot ang bawat pangyayari.
3. Pagiging Selosa at madalas mainggit.
Hindi magandang paguugali ang pagiging mainggitin at selosa. Maari itong makahadlang sa mga plano mo dahil tuwing makakakita ka ng bagay na meron ang iba ngunit wala ka, at nainggit ka, maaring magbago ang goals mo dahil mas pinili mo magkaroon kung ano man ang mayoon ang iba. Sa halip na maging mainggitin, mas mainam na gawin na lamang inspirasyon ang isang tao. Iwasan maging “bitter” at manatiling mainggit dahil ito ay hindi maganda.
4. Walang pakialam sa ibang tao.
Ang mga taong bitter ay madalas na walang paki-alam at walang pagpapahalaga sa ibang tao. Mas prayoridad nila ang sarili nila. Mas mainam na iwasan ang mga ganitong tao dahil maari ka nilang iwan basta basta sa mga sitwasyon lalo na kung delikado ito.
Ang mga taong bitter ay may paguugali din na nilalahat ng pait na naramdaman nila, halimbawa ay kung makaranas sila ng hindi magandang serbisyo sa parlor na bading ang mga parlorista, maaaring iwasan na niya ang mga bading at isipin na lahat sila ay hindi magaling sa pagaayos ng buhok. Dahil dito ay nililimitahan niya ang kanyang sarili sa iba pang oportunidad na maaaring mangyari. Maging open at huwang igeneralize ang bawat masamang mangyayari.
5. Pagiging ma-drama at mahilig mageskandalo.
Ang mga taong “bitter” ay may kaugalian na mahilig mageskandalo upang mapakita na importante sila at ang kanilang nararamdaman. Hindi ito maganda at hindi propesyonal ang asal na ganito, mas mainam na pagtrabahuin mo nang mapasayo ang tagumpay na siyang gagawa ng ingay at magbigay pansin sa iyo.
Ang mga ito ay mga pawang suhesyon ngunit nasasaiyo pa din kung susundin mo ito.
0 Mga Komento