Maging pihikan sa pagpili ng mga appliances na gagamitin. Ano ba dapat ang klase ng appliances ang dapat na hanapin o bilhin? Kailangan ba na maganda pero hindi nakakatipid o kabaliktaran nito?
AIR-CONDITIONING UNITS
Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa, at tayong mga pilipino ay gustong gusto ng malamig na hangin, maging ito man ay sa bahay, office at classroom. Kaya nga ang karamihang plano at gawain natin ay magpakabit ng aircondition unit sa ating mga kwarto at establisyento. Subalit sa pag gamit ng Air condioning Units’ (ACUs) ay napaka mahal.
Ngunit sa isang banda naman nito ay maari kang makatipid sa pamamagitan ng pag set ng temperatura sa medium setting. Sapamamagitan nito puweding makatipid ang isang tahanan ng P280 kada buwan.
Maari ding piliin ang 1.0hp window-type or stay cool at gumamit ng electricfan para makatipid ng P455 kada buwan.
Piliin din ang Air-conditioning Units na may Inverter Technology at maktipd ng P300 kada buwan vs. sa regular na 1HP split-type.
ELECTRIC FAN
Ang pag linis ng fan blades at motor housing ng inyong electric fan ay makakpanatili ng magandang pagtakbo nito. Kapag ang fan blades at motor ay malinis , ang power consumption ay hindi masyadong malakas at mabigat. Kapag ginawa ito makaktipid ka ng P5.00 kada buwan.
REFRIGERATOR
Ugaliin ang pagsarado ng pintuan ng inyong refrigerator pagkatapos gamitin ito. Piliin din ang mga refrigerator na nasisisrado ng maayos at walang lamig na lumalabas mula sa pintuan nito. Lagi ding e check ang refrigerator kung may mga cracks at leaks ito. Kapag nakita na ang refrigerator ay may cracks at leaks, maiging tawagan agad ang technicians para maayos ang refrigerator. Makakatipid ka naman sa gawaing ito ng
P84 kada buwan.
TELEVISION
Maging updated, sa hindi pag gamit ng Cathode ray tube Televisions (CRT) dahil ang energy consumption ay naka bigat. Ang wise option ay ang mag invest sa quality pero affordable na LED TVs. LED TVs at makatipd ng bill na P109/month.
COMPUTER
Kalinutan na ang screensavers settings at gamitin ang sleep mode ng inyong computer at makatipid ng P240/month.
RICE COOKER
Ito ang recipe para sa energy efficiency, E-unplug o bunutin ang kuryente sa saksakan ang inyong rice cooker pagkatapos magluto at makaktipid ng P41 kada buwan.
LIGHTS o ILAW
Ang ilaw ay napaka importante ngunit halos nagagamit natin ito araw- araw. Pumili ng LED bulbs kaysa sa fluorescent lamp or fluorescent tube. Ito ay makakatipid ng bill ng kuryente na P13 kada buwan. Ang disiplina ay napaka
FLAT IRON o PLANTSA
Iwasan ang pag plantsa ng damit ng isa-isa. Ang pag plantsa ng bultuhan na damit o basket basket ay siyang makakatipid ng kuryente at oras. Mas maganda kung may schedule ang pag plaplantsa, mas praktikal din kung Sabado o Linggo ito ginagawa kung saan may low electricity demand.
WASHING MACHINE
Mag hugas ng bultuhan na damit at hindi paisa-isa. Mas makaktipid ng oras, lakas at oras kapag ginawa ito. Makakatipid ng Php 2.52 per cycle. (Washing-45 mins. at spin dry-15 mins.)
E- UNPLUG ANG MGA GAMIT NA HINDI GINAGAMIT
Kapag ang appliances ay connected sa power line, meron pa rin itong electricity na tumatakbo. Maging maliit na appliances man ito o malaki. Kapag pinagsama din ang mga ito ay tiyak na mahal ang kuryente na masisingil sa inyo. Kaya ugaliin na e-unplugged devices/appliances na hindi ginagamit.
SELF DISCIPLINE
Sa lahat ng tips na nabanggit sa itaas ang self-discipline pa rin ay napaka importante. Ugaliin natin na gawin ang ganitong routine sa bahay ka man o office. Sapagkat tumatakbo ang oras at ang kuryente.
0 Mga Komento