Natatakot ka bang makipagshake hands dahil sobra magpawis ang iyong kamay? Nahihiya ka ba sa iyong mabahong paa dahil sa pagpapawis nito? Hindi ka nagiisa, maraming tao ang nakararanas ng pagpapawis sa kamay at paa. Ito ay kilala rin bilang hyperhidrosis na maaaring makaapekto sa alin mang bahagi ng katawan ng tao ngunit madalas sa palad, paa, kili-kili, at mukha.
Ang mga sumusunod ay mga simpleng home remedies na maaari mong subukan:
1. Apple Cider Vinegar.
Banlawan ang kamay o paa ng maligamgam na tubig. Gumamit ng bulak upang maglagay ng unfiltered apple cider vinegar sa bahagi iyon. Hayaang nakababad buong gabi. Kinabukasan, maligo at lagyan ng baby powder. Kung ikaw ay mayroong sensitibong balat, paghaluin ang magkasing raming tubig at apple cider vinegar bago gamitinin.
2. Cornstarch.
Maghalo ng magkasing raming cornstarch at baking soda at ilagay ito sa lumang bote ng baby powder. Tanggalin ang sobrang pawis sa kamay at paa gamit ang tissue o di kaya’y paper towel. Gamitin ang pinaghalong cornstarch at baby powder sa paa at kamay. Gamitin ito tuwing kinakailangan.
3. Lemon Juice.
Paghaluin ang bagong pigang lemon juice at isang kutsaritang baking soda. Gamitin itong pamahid sa mga apektadong bahagi. Maghintay ng 10 minuto sa banlawan ang mixture. Ulitin ito isang beses lamang sa loob ng isang araw. Maaari ring gamitin ang bagong pigang lemon juice kasama ng tubig. Magsawsaw ng bimpo at ikuskos sa buong katawan bago maligo.
4. Witch Hazel.
Magbabad ng bulak sa witch hazel liquid extracts at ikuskos ito sa sa bahagi ng katawan na palaging nagpapawis. Gawing ito 2 hanggang 3 beses sa isang araw. Maaari ring maghalo ng 1 kutsarang witch hazel bark powder at kauting tubig. Gamitin itong pamahid sa apektadong bahagi ng katawan at hayaan sa loob ng 1 oras. Banlawan gamit ang malamig na tubig. Gawin ito araw-araw sa loob ng 1 linggo.
5. Kamatis.
Maghiwa lamang ng kamatis at ikuskos ito sa bahagi ng katawan na nagpapawis. Maaari ring magpiga ng kamatis at gamitin ang juice nito sa nagpapawis na bahagi ng katawan. Hayaan itong nakababad sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig at gawing isang beses sa isang araw.
6. Activated Charcoal.
Kumonsumo lamang ng isang kutsaritang activated charcoal kasama ang isang baso ng maligamgam na tubig tuwing umaga. Siguraduhing wala pang laman ang sikmura. Kung ikaw ay makararanas ng pagsusuka pagkatapos itong kainin ng wala pang laman ang sikmura, gawin ito pagkatapos ng pananghalian o hapunan.
7. Black Tea.
Hawakan lamang ang moist na tea bags sa iyong palad sa loob ng 5 minuto. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa isang araw. Maaaring gumawa rin ng isang bowl ng black tea gamit ang tea bags. Hayaan itong lumamig ng kaunti. Ibabad ang kamay o paa sa loob ng 30 minuto. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.
8. Tea Tree Oil.
Sa isang bowl maligamgam na tubig, maglagay ng 4 hanggang 5 patak ng Tea Tree Oil. Magsawsaw ng bulak dito at ikuskos ito sa bahaging apektado ng sobrang pagpapawis. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa isang araw. Bago maglagay ng tea tree oil sa katawan, subukan muna ito sa maliit na bahagi ng balat. Mayroon kasing ibang tao na sensitibo sa tea tree oil.
9. Sage.
Maglagay ng 2 o 3 Sage Tea bags sa malaking bowl ng tubig. Ibabad ang nagpapawis na kamay sa tubig na ito sa loob ng 20 hanggang 30 minuto. Maaari itong gawin 1 hanggang 2 beses sa isang araw. Kahalintulad nito, gawin rin ito sa nagpapawis na paa. Maaari ring uminom ng sage tea tuwing umaga para sa mas magandang epekto.
10. Kumain ng Mayaman sa Magensium.
Isa sa mga dahilan kung bakit nagpapawis ang kamay ay dahil sa kakulangan sa magnesium ng katawan. Natutulungan kasi nito na kontrolin ang mga aktibidad ng sweat glands upang mapigilan ang sobra at di inaasahang pagpapawis. Ang ilang pagkain na mayaman sa magnesium ay ang almonds, avocado, saging, beans, buto ng pumpkin, blackstrap molasses, tokwa, soy milk, kasuy, walnuts, pecans, patatas–kasama ang balat, yogurt, at mga gulay na madadahon.
0 Mga Komento