Subscribe Us

Narito ang 10 na Kondisyon at Sakit na Kayang Gamutin Gamit ang Kamias sa Natural na Paraan. Alamin at Basahin Dito.

Natitiyak kong hindi ka masyadong mahilig sa prutas na ito, ang Kamias. Ngunit ano nga ba ang halamang-namumungang ito? Ang kamias at tinatawag ding kamyas at kalamayas sa wikang katutubo. May siyentipiko itong pangalan na “Averrhoa bilimbi” na siyang puno na nabubuhay sa mga lugar na may tropikal na klima. 
Ito ay nagbubunga ng maliliit at karaniwang nasa dalawa hanggang tatlong pulgada ang haba, kulay berde at maasim sa panlasa. Ang puno nito ay lumalaki ng labinlima hanggang tatlumpung talampakan. Mayaman ito sa bitamina C, B , iron phosporus at mga antitoxidants.
Ilan sa mga lunas nito na siyang sinauna pang ginagamit ay laban sa sakit sa balat, almoranas, pangangati at ubo. Ngunit ano nga ba ang benepisyong medikal ng kamias? Sa artikulong ito mapapalawak ang ating kaalaman sa kakayahang medikal ng kamias.
Narito ang mga kondisyon at sakit na kayang gamutin gamit ang kamias:

1. Ang kamias ay gamot sa kakulangan sa bitamina C o mas kilala sa tawag na “SCURVY” at malaki ang maitutulong ng pagkain ng bunga nito sa ganitong sakit.
2.. Ang pag-inom ng katas ng bunga ng kamias ay nakatutulong sa pagbaba ng lagnat.
3. Ang kakulangan ng “Thiamine” lalo na sa mga kababaihan ay karaniwang tinatawag na beri-beri at ito maaaring malunasan sa pagkain ng bunga ng kamias.
4. Ang bulaklak ng kamias ay nakakahupa ng hirap sa pag-ubo kung ilalaga at iinumin ang katas nito.
5. Ang pananakit ng mga kasukasuan at nagreresulta ng rayuma ay maaaring gamutin ng dinikdik na dahon nh kamias at paglagay nito sa apektadong lugar.
6. Kung ikaw ay nakararanas ng beke o “mumos”, maaari kang magdikdik ng dahon ng kamias at ilapat ito sa lugar na namamaga lalo na sa parte ng panga.
7. Ang dinikdik na dahon ng kamias ay mabisa rin upang maibsan ang iyong mga taghiyawat.
8. Kung ikaw ay may uri ng karamdaman sa iyong balat lalo na kung ito ay kritikal, maaarin kang magpahid ng dinikdik na dahon ng kamias, ito ay isang halamang panlunas sa mga sakit sa balat.
9. Ang katas ng kamias ay maaari ring ipatak sa bahagi ng mata na nakararanas ng iritasyon.
10. Ang “hemorrhoids” o almoranas ay maaaring mabawasang ang pamamaga kung iinum ka ng katas ng nilagang dahon ng kamias.
=

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento